Si John "Sweet" Lapus ang karagdagan sa listahan ng Kapamilya stars na nagkaroon ng trabaho sa GMA Network sa panahon ng pandemya.
Pero hindi artista kundi bilang writer.
Si John ang bagong writer ng Daddy’s Gurl, ang sitcom na co-production venture ng GMA-7 at ng television company ni Vic Sotto na M-ZET Productions.
Ayon sa direktor na si Chris Martinez, si John ang kusang lumapit sa kanya.
"Nagprisinta siya, ‘Puwede ba akong magsulat diyan?’" kuwento ni Direk Chris tungkol sa pagsisimula ni John bilang writer ng sitcom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.
Sabi pa ni Direk Chris, “Matagal na kaming magkaibigan.
"Ang dami na naming ginawa way back sa theater pa, we did films together, Here Comes the Bride, Temptation Island... ang dami na naming ginawa.
“Alam ko na nakakatawa siya kasi I’ve been watching his shows. Ilang dekada na kaming magkakilala. Alam ko yung kalibre niya as a comedy writer and comedy performer.
“Napaka-welcome addition ni John Lapus sa aking writers' pool.
“Yung episode last week, sa kanya ‘yon, at nag-taping na kami ng second episode niya.
"Sabi ko, 'Mas maganda itong second episode mo, mas nakakatawa, at mas maikli. Hindi mahirap gawin.'
"And then, natututo rin siya sa akin kasi teknikal din ang pagsusulat ng TV script.
"May rules, may technicalities din, so he’s learning. Magandang addition yung comic abilities ni John Lapus sa Daddy’s Gurl.”
Hindi baguhan sa GMA-7 si John dahil matagal siyang napanood noon bilang co-host ng S-Files at Showbiz Central (2006-2012), ang defunct Sunday afternoon showbiz talk shows, at lumabas sa mga drama series ng Kapuso Network bago siya bumalik sa ABS-CBN noong 2012.
Ni-reinvent ni John ang sarili bilang direktor ng mga drama anthology ng Kapamilya Network.
Dahil sa kanyang versatility at magandang relasyon sa ABS-CBN at sa GMA-7, hindi apektado si John ng network war kaya nakakatawid siya at nagkakaroon ng trabaho sa mga nabanggit na television station, pati na sa TV5.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.