PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mommy Pinty, Daddy Bonoy donate income from YouTube channel

Daddy Bonoy, patok ang "It's a Frank" na ginawa niya kay Mommy Pinty.
by Jojo Gabinete
Published Nov 1, 2021
Dalawang buwan lamang makalipas buksan ng mag-asawang Bonoy at Pinty Gonzaga, mga magulang nina Toni at Alex, ang kanilang YouTube channel na Bony and Pinty vlog ay umabot na sa 1.2 million ang kanilang subscribers.
PHOTO/S: @mommypinty on Instagram

Ngayong Lunes, November 1, ang kaarawan ni Mrs. Pinty Gonzaga, ang butihing ina nina Toni at Alex Gonzaga.

"Mommy Pinty" ang nakasanayang tawag sa nanay ng Gonzaga sisters.

Higit na makabuluhan ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mommy Pinty dahil ibinahagi niya sa mga nangangailangan ng maintenance medicines ang unang kita nila ng kanyang asawang si Daddy Bonoy mula sa Bonoy and Pinty Vlog, ang kanilang successful YouTube channel.

Binuksan ng mag-asawa ang kanilang YouTube channel dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas, pero mayroon na itong 1.2 million subscribers.

Nang makausap ng Cabinet Files si Mommy Pinty noong Sabado, October 30, sinabi niyang nag-umpisa lamang sa biruan ang vlog nila ng kanyang asawa, na natural comedian at pinagmanahan ni Alex.

Ayaw maniwala ni Mommy Pinty na nakakatawa rin siya. Pero ang totoo, ang kanyang deadpan humor ang isa sa mga kinagigiliwang panoorin ng followers nila.

"Ka-maintenance" ang tawag ni Daddy Bonoy sa kanilang mga subscriber dahil sa kanyang paniniwala na, gaya niya at ni Mommy Pinty, may maintenance medicines na rin dahil sa high blood, high cholesterol, at high level ng sugar blood ang mga tagasubaybay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Modern John & Marsha" ng social media ang tawag namin sa mag-asawang Bonoy at Pinty dahil sa kanilang unscripted and funny vlogs mula sa mga tunay na sitwasyong nararanasan ng pamilya nila na naghahatid ng good vibes, ngiti, at kaligayahan sa mga manonood.

"IT'S A FRANK"

Brilliant ang Halloween vlog episode na may pamagat na "It’s a Frank" ng mag-asawa dahil sa mga "prank" na ginawa ni Daddy Bonoy sa asawa niya.

Unang dinala ni Daddy Bonoy si Mommy Pinty sa isang mall para pakainin ang kanyang asawa sa isang hotdog store na Mr. Frank’s ang pangalan.

Para sa pangalawang prank, isinama ni Daddy Bonoy si Mommy Pinty sa pagbili ng Frank’s hamburger.

Para sa pangatlong prank, kinantahan ni Daddy Bonoy si Mommy Pinty ng "The Shadow of Your Smile," na buong pagmamalaking sinabi niyang isang awit ni Frank Sinatra.

At ang pang-apat, nagsuot siya ng Frankenstein mask para takutin ang kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Pagkatapos gawin ang kanyang mga prank, tuwang-tuwang idineklara ni Daddy Bonoy na “It’s a Frank!” habang nakakaaliw ang parang hindi na-impress na reaksiyon ni Mommy Pinty.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang buwan lamang makalipas buksan ng mag-asawang Bonoy at Pinty Gonzaga, mga magulang nina Toni at Alex, ang kanilang YouTube channel na Bony and Pinty vlog ay umabot na sa 1.2 million ang kanilang subscribers.
PHOTO/S: @mommypinty on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results