Sharon Cuneta, tuloy na ang paglabas sa Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Nov 3, 2021
Nagpahiwatig na ang Dreamscape ng paglabas ng Megastar na si Sharon Cuneta sa longest-running prime-time series ng Kapamilya Channel na FPJ's Ang Probinsyano. Kung walang magbabago sa plano, magsisimula nang mag-taping si Sharon para sa programa ni Coco Martin ngayong Nobyembre.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, mangyayari ngayong Nobyembre ang pagsisimula ng taping ni Sharon Cuneta para sa mga eksena niya sa FPJ's Ang Probinsyano.

Base ito sa teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ang producer ng longest-running action drama series ni Coco Martin, kahapon, November 2.

Nakasaad dito: “Sa pagpapatuloy ng ika-6 na anibersaryo ng #FPJsAng Probinsyano, siguradong MEGAganda pa ang gabi niyo! Abangan!”


Continue reading below ↓

Ipinagdiwang ni Coco ang kanyang 40th birthday noong Lunes, November 1. Ito ang dahilan kaya pahinga muna sa taping ang cast at production staff ng kanyang programa, na anim na taon nang napapanood sa telebisyon.

Ipagpapatuloy ang lock-in taping ng Ang Probinsyano sa November 14, at inaasahang mag-uumpisa na rin ang partisipasyon ni Sharon sa nabanggit na programa.

Unang nagkaroon ng mga haka-hakang papasok si Sharon sa Ang Probinsyano dahil sa kanyang mga social media post noong July at August 2021 na tila pahiwatig ng kagustuhan niyang maging bahagi siya ng TV series ni Coco.

Continue reading below ↓

Noong June 2016, sinabi ni Sharon sa panayam sa kanya ng TV Patrol ang pangarap niyang makasama si Coco sa isang proyekto.

Aniya, “Alam ni Tita Malou [Santos, former executive of Star Cinema] ito, naka-deposit na talaga yung request ko for a movie with Coco, ilang buwan na. Alam ng Star Cinema, any [genre], basta kasama ko siya.”

Ang inaabangang paglabas ni Sharon sa Ang Probinsyano ang pangalawang pagkakataong matutunghayan ang singer-actress sa isang TV series.

Nagbida na siya noon sa Madam Chairman, ang comedy-drama show ng TV5 na napanood mula October 14, 2013 hanggang February 28, 2014.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpahiwatig na ang Dreamscape ng paglabas ng Megastar na si Sharon Cuneta sa longest-running prime-time series ng Kapamilya Channel na FPJ's Ang Probinsyano. Kung walang magbabago sa plano, magsisimula nang mag-taping si Sharon para sa programa ni Coco Martin ngayong Nobyembre.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results