Janno Gibbs, pinagsama ang misis na si Bing Loyzaga at ex-girlfriend na si Manilyn Reynes sa pelikula

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2021
bing janno manilyn mang jose
Janno Gibbs on working with wife Bing Loyzaga (left) and Manilyn Reynes (right) in Mang Juan: "I really wanted the three of us together kasi nga hindi pa nagagawa, and I think it’s high time before kami tumanda nang tuluyan, e, magkasama-sama naman kami sa isang movie."
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram

Ang Mang Jose ang unang pelikulang pinagsamahan nina Janno Gibbs, Bing Loyzaga, at Manilyn Reynes.

Magkakasama ang tatlo noong dekada '80 sa popular youth-oriented TV show na That’s Entertainment.

Ang love team nina Janno at Manilyn ang isa sa pinakasikat noon sa showbiz kaya malaking balita ang breakup nila noong 1989 dahil sa pakikipagrelasyon ni Janno kay Bing.

Hindi namin nalilimutan ang kuwento tungkol sa wagas na pagtulo ng luha ni Manilyn nang i-record niya sa isang recording studio sa Quezon City ang kanyang monster hit song na "Sayang na Sayang."

Iyon kasi ang panahong pinili ni Janno si Bing kaya naghiwalay sila.

Hindi pa uso noon ang social media at ang salitang bashing, pero matitindi ang mga batikos na tinanggap ni Janno mula sa mga galit na galit na mga tagahanga nila ni Manilyn.

Pero ginamot ng panahon ang sakit na idinulot sa fans ng pagkabuwag ng love team nina Janno at Manilyn.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagkakaroon ng kanya-kanyang pamilya, magkaibigan na ngayon ang dalawa.

Si Janno ang personal na humiling sa mga producer ng Mang Jose na magsama sila nina Bing at Manilyn sa naturang proyekto.

Kuwento ng singer-comedian, “Sobrang tagal na naming hindi nagkakasama ni Manilyn so to be with her in this movie makes it even more special.”

Nagbiro pa si Janno na una at huling beses na nilang magsasama nina Manilyn at Bing sa pelikula dahil masyado naging malapit sa isa’t isa ang kanyang asawa at ex-girlfriend.

“E, kasi kapag magkasama yung dalawa sa tent, puro ako ang pinag-uusapan nila, nilalait. Kawawa ako.

“We’re all good friends, kaming tatlo. Proof to that is puwede ko silang iwanan sa isang tent na magkasama."

Sabi pa ni Janno, “Actually, I requested Manilyn for this role. It’s a different role for her.

"Spoiler alert: siya po ang pinaka-main villain ni Mang Jose.

“Ako rin ang nag-request for Bing.

Continue reading below ↓

"I really wanted the three of us together kasi nga hindi pa nagagawa, and I think it’s high time before kami tumanda nang tuluyan, e, magkasama-sama naman kami sa isang movie."

Si Janno ang gumaganap na Mang Jose, ang Pinoy superhero na sinisingil ng pera ang lahat ng mga taong tinutulungan at natutulungan niya.

Nangarap si Janno na makasali ang Mang Jose bilang official entry sa Metro Manila Film Festival 2021 na magsisimula sa December 25. Pero may iba at mas magandang plano ang Viva Films.

Ang Mang Jose ang Christmas presentation ng Vivamax. Mag-uumpisa sa December 24 ang streaming ng pelikula na magkakaroon muna ng special screening sa pay per view ng Vivamax sa November 17, 2021.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs on working with wife Bing Loyzaga (left) and Manilyn Reynes (right) in Mang Juan: "I really wanted the three of us together kasi nga hindi pa nagagawa, and I think it’s high time before kami tumanda nang tuluyan, e, magkasama-sama naman kami sa isang movie."
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results