Erik Matti, kinumpirmang may part 3 ang On The Job; Upstream.ph, magkakaroon ng filmfest

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2021
On The Job: The Missing 8 and Rabid directed by Erik Matti
Director Erik Matti, ipinagmalaki na "number one" ang On The Job: The Missing 8 sa HBO. Hindi lang daw nito natalo ang Game of Thrones. Tampok sa On The Job: The Missing 8 sina John Arcilla at Lotlot de Leon (left). Ang nasa right photo ay eksena mula sa pelikulang Rabid.
PHOTO/S: Screengrab from On The Job: The Missing 8 / Rabid

Tiniyak ng multi-awarded director na si Erik Matti na magkakaroon ng ikatlong yugto ang kanyang critically acclaimed movie, ang On the Job: The Missing 8.

Umani ng mga papuri ang pelikula nang ipalabas ito sa 78th Venice International Film Festival noong September 2021.

Ito rin ang nagbigay ng Volpi Cup for Best Actor kay John Arcilla dahil sa mahusay na pagganap nito.

Matapos isali sa 78th Venice Film Festival, eksklusibong napanood ang On The Job: The Missing 8 bilang six-part series sa HBO Go.

Isang positibong balita ang ibinahagi ni Matti:

"Thank you to the success of On The Job, I think we can now say it—it was number one in all HBO contents.

"Except siyempre wala pang nakakatalo, ang Games of Thrones, not just in the Philippines but in some teritorries in Southeast Asia.

"Isipin mo ‘yan, talo natin ang Breaking Bad, except nga sa Game of Thrones."

Nang tanungin tungkol sa mga artistang magbibida sa Part 3 ng On The Job, binanggit ni Matti ang mga pangalan nina Joel Torre, Dennis Trillo, at ang ibang cast members ng kanyang matagumpay na pelikula.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Without tying ourselves down to who gets to be in next On The Job, we might see the return of Tatang [Joel Torre] and Dennis Trillo, teaming up together.

"We might see the return of Joey Marquez, Leo Martinez, and Dante Rivero. Lotlot de Leon will also be there. Probably John Arcilla, if he’s not too busy, let’s see.

"Hindi natin alam, hindi pa ako masyado maka-commit.

"We’re bringing in new set of assassins. We already booked one actor. But sorry, we can’t say yet [his name] kasi baka maunsiyami.

"He’s a big actor so looking [I’m looking] forward [to it]."

UPSTREAM.PH FILM FESTIVAL

Sina Matti at Dondon Monteverde ang mga founder ng streaming site na Upstream.ph na inilunsad noong November 14, 2020.

Sa pagdiriwang sa unang taon ng Upstream.ph, ang Upstream Original horror movie na Rabid at ang controversial French-Dutch biographical drama film na Benedetta ang mga napili nina Matti at Dondon Monteverde bilang anniversary presentation ng streaming site.

Continue reading below ↓

Magsisimula sa November 12 ang streaming ng Rabid na pinagbibidahan nina Vance Larena, Donna Cariaga, at Ricci Rivero

Sa November 17 mapapanood sa Upstream.ph ang Benedetta na In Competition sa Cannes Film Festival noong May 2021.

Ibinalita rin nina Matti at Monteverde na magkakaroon ng sariling film festival ang Upstream.ph sa December 2021 dahil walang magaganap na Internet streaming sa walong pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2021.

"December talaga is really a hectic time for the Filipinos and they’re looking for some enjoyment, some excitement.

"So, ang Christmas, yung MMFF ang inaabangan nila na mangyari, pero nasa cinemas lang ngayon.

"Sa Upstream, we will continue to provide entertainment for our audience, especially to those who want to spend an intimate Christmas sa mga bahay nila, magpapahinga sila.

"We will release, may surprise kaming ire-release na list of films that they could enjoy.

"Family entertainment even for the young at heart, and even adult films. Adult films meaning mature stories, hindi adult na bold, which everyone, for each family member, could have fun,” pahayag ni Matti.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Erik Matti, ipinagmalaki na "number one" ang On The Job: The Missing 8 sa HBO. Hindi lang daw nito natalo ang Game of Thrones. Tampok sa On The Job: The Missing 8 sina John Arcilla at Lotlot de Leon (left). Ang nasa right photo ay eksena mula sa pelikulang Rabid.
PHOTO/S: Screengrab from On The Job: The Missing 8 / Rabid
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results