Boss Vic del Rosario, proud sa success ng Vivamax sa 40th anniversary ng Viva

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2021
Boss Vic del Rosario Viva 40th anniversary
Boss Vic del Rosario on Vivamax's success: "Yung transition namin from sinehan to streaming para mag-create tayo ng outlet natin, malaking taya namin sa Vivamax. Mabuti naman, after less than a year, maganda yung take-ups so medyo haping-happy kami."
PHOTO/S: Courtesy of Viva

Ipinagdiriwang ng Viva Communications Inc. ngayong araw ang 40th anniversary ng entertainment company na itinatag ni Boss Vic del Rosario noong November 11, 1981.

Ang P.S. I Love You na pinagbidahan noon ng real-life love team nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang pinakamalapit sa puso ni Boss Vic dahil iyon ang unang film venture ng Viva Films at isa sa mga napakaraming blockbuster na ginawa ng kanyang film outfit.

Sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Viva, masayang ibinalita ni Boss Vic at ng kanyang anak na si Vincent del Rosario na mapapanood na rin sa Canada at Amerika ang mga content ng Vivamax na inilunsad lamang noong January 2021.

Si Boss Vic ang founder at chairman ng Viva, habang vice chairman at CEO si Vincent.

Meron nang mahigit sa dalawang milyong subscribers at kinikilala bilang number one Pinoy streaming platform ang Vivamax sa kasalukuyan.

Hindi lamang ang classic Filipino films at ang mga bagong pelikula ng Viva ang handog ng Vivamax dahil matutunghayan din dito ang mga concert, series, at documentaries.

Continue reading below ↓

Ang Vivamax ang itinuturing nina Boss Vic at Vincent na pinakamalaking tagumpay nila sa panahon ng coronavirus pandemic dahil nagpatuloy ang paglilingkod nila sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga pelikulang kanilang ginagawa at naghahatid ng kasiyahan sa mga Pilipino sa halos lahat ng panig ng mundo.

Sa exclusive interview ng PEP.ph kay Boss Vic, sinabi niyang malaki ang itinaya nila sa Vivamax.

Pero maganda ang naging resulta at isa ito sa malalaking desisyon na kanyang ginawa bilang pinuno ng Viva Communications Inc.

Lahad niya: "Yung transition namin from sinehan to streaming para mag-create tayo ng outlet natin, malaking taya namin sa Vivamax.

"Mabuti naman, after less than a year, maganda yung take-ups so medyo haping-happy kami.

"Inisip namin yung trabaho ng mga artista, trabaho ng mga production personnel, although napakahirap mag-shoot, napakaraming requirements sa protocols.

"We have to spend at least a million, even two million. Minsan napa-pack up kayo dahil merong isa na may COVID."

Continue reading below ↓

Sa kabila ng mga hamon ay aarangkada pa rin ang mga proyektong inihanda ng kumpanya.

"The challenge was how to produce movies with all these handicaps and limitations?

"We’re producing one movie a week with all these problems.

"And next year, we’re accelerating our production. We’re doing series, we’re doing more films."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boss Vic del Rosario on Vivamax's success: "Yung transition namin from sinehan to streaming para mag-create tayo ng outlet natin, malaking taya namin sa Vivamax. Mabuti naman, after less than a year, maganda yung take-ups so medyo haping-happy kami."
PHOTO/S: Courtesy of Viva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results