Enchong Dee, wala pang pahayag tungkol sa P1-B cyber libel complaint laban sa kanya

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2021
enchong dee building
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Enchong Dee kaugnay ng cyber libel complaint na isinampa laban sa kanya ni Congresswoman Claudine Bautista-Lim dahil sa komento noon ng aktor sa magarbong kasal ng mambabatas.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Kabilang si Enchong Dee sa mga artistang very vocal pagdating sa mga isyu at kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga government official.

Pero hindi pa siya nagbibigay ng opisyal na pahayag tungkol sa P1-billion cyberlibel complaint na isinampa laban sa kanya ni Representative Claudine Diana Bautista-Lim ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Party-list sa Provincial Prosecutor’s Office sa Davao Occidental.

Ikinasal si Bautista sa negosyanteng si Jose French “Tracker” Lim sa Balesin Island sa Polillo, Quezon, noong July 28, 2021.

Kabilang si Enchong sa apat na showbiz personalities na nagkomento nang hindi maganda tungkol sa magarbong kasal ng mambabatas.

Nasaktan si Bautista sa diumano’y malisyoso, mapanirang-puri, at walang basehang akusasyon ni Enchong.

Humingi na ng public apology si Enchong, pero itinuloy pa rin ni Bautista ang pagsasampa ng reklamo dahil hindi raw nito naramdaman ang sinseridad ng aktor.

May mga naniniwalang kumonsulta na si Enchong sa abogado para sa malaking kaso na kanyang kinakaharap na posibleng maging dahilan ng pagpunta niya sa balwarte ni Bautista.

Continue reading below ↓

Samantala, ipinagdiwang ni Enchong ang kanyang 33rd birthday noong November 5.

Kasabay nito ay in-upload ng aktor sa kanyang YouTube channel ang building tour video ng bagong negosyo niya, ang E-30 Residences sa 15th Avenue, Murphy, Quezon City. Katabi ito ng Murphy Public Market.

E-30 Residences ang pangalan ng mid-rise building dahil inumpisahan itong ipatayo ni Enchong noong 30 years old siya.

enchong dee building

Continue reading below ↓

Masayang-masaya si Enchong dahil dalawa na ang building na naipundar niya mula sa kanyang mga kinita sa show business.

Bukod sa E-30 Residences building sa Murphy, Quezon City, si Enchong din ang may-ari ng gusali sa kanto ng Imperial at Ermin Garcia Streets sa Cubao, Quezon City, ang E-23 Residences na katabi ng Mega-Q- Mart.

Naipatayo niya ito noong 23 years old lamang siya.

enchong dee building

Continue reading below ↓

Maabilidad si Enchong dahil mga ari-ariang malapit sa palengke ang pinagpapatayuan niya ng kanyang mid-rise building businesses. Mga negosyante o nagtitinda sa palengke ang mga nangungupahan sa ground floor ng mga gusali ni Enchong at residential units naman ang mga kasunod na palapag.

Mga papuri ang tinanggap ni Enchong dahil hindi ito bulagsak sa pera at mahusay na negosyante. Saludo kay Enchong ang kanyang mga tagahanga.

Pero ngayon ay nakakatanggap siya ng pangungutya mula sa kanyang detractors dahil sa demanda ni Bautista na nagkakahalaga ng nakakagulantang na isang bilyong piso.

Marami ang nag-aabang sa paliwanag at pahayag ng aktor na biglang nabahiran ng kalungkutan at mga agam-agam ang ikatatlumpo’t tatlong kaarawan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Enchong Dee kaugnay ng cyber libel complaint na isinampa laban sa kanya ni Congresswoman Claudine Bautista-Lim dahil sa komento noon ng aktor sa magarbong kasal ng mambabatas.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results