Veteran actor na may ex-gay lover, dapat mag-ingat sa paninira sa showbiz personality

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2021
Sa kanyang social media, wagas sa pagkomento ang veteran actor laban sa showbiz personality na ininsulto pa niya ang sexual orientation.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Tila may personal na galit ang veteran actor sa showbiz personality na nasangkot sa isang kontrobersiya.

Imbes na makisimpatiya, ikinatuwa pa ng veteran actor ang nangyaring kapahamakan sa kanyang kasamahan sa industriya.

Hindi naging maingat ang veteran actor dahil wagas ang komento nito sa kanyang social media post na dapat turuan ng leksyon ang showbiz personality.

Ininsulto pa niya ang sexual orientation ng showbiz personality.

May mga nag-iisip na baka may atraso ang showbiz personality sa veteran actor kaya matindi ang pagkasuklam na nararamdaman nito.

Hindi puwedeng paratangang homophobic ang veteran actor dahil matagal din itong nakipagrelasyon sa isang miyembro ng third sex.

Sa isang showbiz gathering, walang labis-walang kulang at detalyadong ipinagtapat ng ex-gay benefactor ang maliligayang araw nila ng veteran actor.

Nanahimik lamang ang veteran actor dahil wala siyang kalaban-laban sa isiniwalat na katotohanan ng dating karelasyon.

Malaki ang naging pakinabang ng veteran actor sa former gay lover na kanyang “minahal,” matagal na pinakinabangan, at nagbigay ng kabuhayan sa pamilya niya.

Continue reading below ↓

Hindi dapat magmalinis ang veteran actor na kailangang maging maingat sa pagbabahagi sa social media ng mga opinyon niya.

Dahil kung hindi, puwedeng-puwede siyang ireklamo ng cyber libel ng showbiz personality na biktima ng kanyang mga paninirang-puri.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang social media, wagas sa pagkomento ang veteran actor laban sa showbiz personality na ininsulto pa niya ang sexual orientation.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results