Lexi Gonzales, malabong matipuhan si Kim de Leon dahil sa rason na ito

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2021
Lexi Gonzales and Kim de Leon
Naka-relate sa kanilang Regal Studios Presents episode na "Magkaibigan, Nagkaibigan" sina Lexi Gonzales at Kim de Leon.

Mga produkto sina Lexi Gonzales at Kim de Leon ng Season 7 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7 at silang dalawa ang pinagsama bilang love team.

Pero hanggang onscreen lang ang tambalan nila dahil sa sinabi ni Lexi na mabuti at malapit na kaibigan lamang ang trato niya kay Kim.

Natawa naman si Kim nang sabihin pa ni Lexi na matatangkad na lalake ang gusto niya, isang katangian na hindi taglay ng StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor.

“Behind the camera, we’re really really good friends as in super close.

“I’ am not gonna lie po. Kim has a lot of good qualities, as a person, as a son, as a love team partner.

“Nakikita ko naman po ang lahat ng efforts niya and how good he is as a man. Isa po sa pinakagusto ko na qualities ni Kim is he is very down-to-earth and dedicated sa work.

Continue reading below ↓

“I really admire him for someone like that and like Anjay Anson, he’s also family-oriented. I’ve seen him put his family first all the time,” ang mga papuri ni Lexi kay Kim.

Leading man ni Lexi si Kim sa "Magkaibigan, Nagkaibigan," ang episode ng Regal Studio Presents na mapapanood sa Linggo, November 14, 2021.

Nangyari kay Lexi sa tunay na buhay ang karakter na ginampanan niya sa "Magkaibigan, Nagkaibigan," pero kabaligtaran ang sitwasyon dahil siya ang nagustuhan ng kanyang kaibigan.

“Baligtad po ang experience ko. Noong hindi pa po ako artista, meron akong boy bestfriend and eventually, napi-feel ko na nagpaparamdam siya na may gusto sa akin.

“Dahil 13 years pa lang ako at the time, medyo umiwas ako kasi hindi ako naging kumportable sa nagiging sitwasyon namin, kaya nag-end ang friendship namin,” kuwento ni Lexi.

May ganung karanasan din naman si Kim.

“Sobrang relatable yung title na 'Magkaibigan, Nagkaibigan.'

Continue reading below ↓

“Hindi malayo dahil kapag kaibigan mo, palagi kayong magkasama, close na close kayo, kilala n’yo na ang isa’t isa, hindi malayo na ma-fall kaso hindi nag-end well,” pagbabahagi ni Kim.

Nang tanungin tungkol sa aral na matututunan ng televiewers sa episode ng Regal Studio Presents na kanilang pinagbibidahan, sumagot si Lexi ng, “Put your family first.

"I think kaming tatlo in real life, talagang mahalaga sa amin ang pamilya.

“Meron talagang times na minsan, gusto nating mapag-isa. Pakiramdam natin, hindi na natin kailangan yung pamilya natin.

"Pero at the end of the day, kapag bumagsak tayo o may pinagdadaanan tayong mahirap, pamilya pa rin ang ating tatakbuhan.”

Parehong sumali sina Lexi at Kim sa StarStruck 7 dahil bukod sa kagustuhan na magkaroon ng showbiz career, importante sa kanila na makatulong sa pamilya.

Pero kung dumating daw ang panahon na papiliin sila kung showbiz career o pamilya, mas pipiliin nila ang kani-kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

“Naku, oh my gosh. Kahit mahal na mahal ko po ang trabaho ko, mas pipiliin ko pa rin ang pamilya," ang hindi nagdalawang-isip na deklarasyon ni Lexi.

Ipinakikilala naman sa "Magkaibigan, Nagkaibigan" ang 19-year-old basketball player na si Anjay Anson.

Nilinaw ni Anjay na hindi siya kamag-anak ng veteran actress na si Boots Anson-Rodrigo at ng kapatid nito na si Alvin Anson.

anjay anson

Continue reading below ↓

Kung sumali sina Lexi at Kim sa StarStruck para maging mga artista, naging madali para kay Anjay ang pagpasok sa showbiz dahil sa kanyang nag-trending na TikTok video.

Hinanap si Anjay ng kasalukuyang manager nito na siyang nagdala sa kanya sa GMA-7 kaya nabigyan ng pagkakataon na maging artista.

Aminado si Anjay na hindi niya inaasahan na maging artista dahil hindi ito kasali sa mga pangarap niya noon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-relate sa kanilang Regal Studios Presents episode na "Magkaibigan, Nagkaibigan" sina Lexi Gonzales at Kim de Leon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results