Biopic ni Mother Lily Monteverde, kasado na

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2021
Dondon Monteverde
Erik Matti
Upstream.ph founders Dondon Monteverde (left) at Erik Matti (right), nagbigay na ng katiyakan tungkol sa pagprodyus ng biopic ng Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde. Ini-launch din ng Upstream.ph ang pelikulang Rabid kamakailan bilang first anniversary presentation.

Ngayon, November 14, ang unang anibersaryo ng streaming platform na Upstream.ph at may dahilan ang mga founder na sina Dondon Monteverde at Erik Matti para matuwa dahil tulad sa kanilang mga pelikula na A Girl & A Guy at On The Job: The Missing 8, mga positibo ang komento at pinupuri ng manonood ang Rabid, ang Upstream original movie na anniversary presentation nila.

Rabid movie

Continue reading below ↓

“I think whenever you make a film, you wanna share your own thoughts and insights on certain things that’s happening, that’s relevant to the society.

“For A Girl & A Guy, it was a way looking at the young generations, seen from my own point of view and hoping to be able to talk to that demographic,” ang sabi ni Matti na isang multi-awarded director na tinatangkilik ang mga pelikula dahil sa mga kuwento, hindi lamang dahil sa mga artista na bida.

May apat na episodes ang Rabid na tinatampukan ng mga baguhang artista gaya nina Ricci Rivero at Vance Larena pero nagustuhan ng viewers at film critics ang pelikula dahil sa mahusay na pagkukuwento at direksyon ni Matti.

“With Rabid, it took us a lot of time to find out what stories to tell because there were a lot of things that we learned in the course of the pandemic last year.

Continue reading below ↓

“And we had to sift through all those things that happened and find out what’s the most that everyone could relate with, and then talk about it from our point of view again.

“That’s what we’re proud of with Rabid. It’s not a straight-on horror. Yes, it’s written as a horror film pero hindi siya horror lang na pagkapanood mo, wala ka nang maisip.

“Per episode really gives you time to start talking about what happened last year but in a different light.

“Hindi na malungkot, hindi na depressing. You can look at it and sometimes, maybe laugh at it, how weird our lives were a year ago,” ang paliwanag ni Matti tungkol sa Rabid nang makausap siya kamakailan ng entertainment writers sa virtual anniversary media conference ng Upstream.ph.

Napag-usapan din sa nabanggit na press conference ang life story ng Regal Entertainment Inc. producer na si Mrs. Lily Monteverde aka Mother Lily na matagal nang plano nina Matti at Dondon na isalin sa pelikula.

Continue reading below ↓

Mother Lily Monteverde

Si Judy Ann Santos ang napili na gumanap bilang Mother Lily pero hindi pa nauumpisahan ang proyekto dahil naapektuhan ito ng coronavirus pandemic.

Si Dondon ang nagbigay ng update tungkol sa biopic ng kanyang ina na may working title na Mother.

“Marami kaming versions ni Erik on how to actually produce it kasi tinamaan ng pandemic yung lahat ng plans.

Continue reading below ↓

“I think Mother Lily deserves that kind of platform kasi iyan talaga ang mahal niya, yung pelikula. Right now, we’re putting that in our agenda and thinking of ways on how to actually produce the Mother Lily story.

“I firmly believe that she deserves a content that would actually talk about the achievements she made, the sacrifices she made, kaya nga tinawag siya na parang nanay talaga ng pelikula.

“Erik and I would definitely talk about that. We will share our plans hopefully soon,” ang sabi ni Dondon na pagbibigay katiyakan na matutuloy pa rin ang pagsasa-pelikula sa kuwento ng buhay ng kanyang ina na isa nang institusyon sa local entertainment industry.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Upstream.ph founders Dondon Monteverde (left) at Erik Matti (right), nagbigay na ng katiyakan tungkol sa pagprodyus ng biopic ng Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde. Ini-launch din ng Upstream.ph ang pelikulang Rabid kamakailan bilang first anniversary presentation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results