Xian Lim, kaliwa't kanan ang projects habang tengga ang Love.Die.Repeat

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2021
xian lim trauma
Xian Lim, tuluy-tuloy ang TV at movie projects kahit pansamantalang natengga ang taping ng Love.Die.Repeat dahil sa pagbubuntis ng co-star niyang si Jennylyn Mercado. Magsisimula na ang lock-in taping ni Xian para sa Kapuso primetime mini-series na False Positive sa November 27.
PHOTO/S: @xianlim on Instagram

Ang Love.Die.Repeat ang unang television assignment ni Xian Lim sa GMA-7 at siya ang leading man ni Jennylyn Mercado, pero nahinto ang taping ng kanilang project noong huling linggo ng September 2021 dahil sa pagbubuntis ng 34-year-old actress.

Magpapahinga muna si Jennylyn dahil sa kalagayan nito at matatagalan ang kanyang pagbabalik-showbiz, dahil bukod sa paghihintay sa pagsisilang sa panganay nila ni Dennis Trillo, magpapapayat pa siya para sa continuity ng mga eksena nila ni Xian sa Love.Die.Repeat.

Habang naghihintay sa availability ni Jennylyn, hindi mawawalan ng mga gagawin si Xian dahil siya ang leading man sa False Positive, ang working title ng episode ng primetime mini-series ng Kapuso Network.

Si Glaiza de Castro ang bidang babae sa False Positive at ito ay mula sa direksyon ni Irene Villamor na direktor din ni Xian sa Love.Die.Repeat.

Magsisimula sa November 27 ang lock-in taping ng mini-series na isang buwang mapapanood sa GMA-7 simula sa January 2022, kaya pinaghahandaan na nina Glaiza at Xian ang kanilang quarantine bago sumabak sa trabaho.

Continue reading below ↓

Maibubuhos na ni Xian ang atensyon niya sa taping ng False Positive dahil natapos na niya ang shooting para sa Bahay na Pula, ang suspense thriller movie ng direktor na si Brillante Mendoza.

Xian Lim
Julia Barretto
Brillante Mendoza

Sina Julia Barretto at Marco Gumabao ang mga co-star ni Xian sa Bahay na Pula. Kinunan sa Mindoro ang mga eksena ng kanilang pelikula na isa sa mga special offering ng Vivamax sa 2022.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim, tuluy-tuloy ang TV at movie projects kahit pansamantalang natengga ang taping ng Love.Die.Repeat dahil sa pagbubuntis ng co-star niyang si Jennylyn Mercado. Magsisimula na ang lock-in taping ni Xian para sa Kapuso primetime mini-series na False Positive sa November 27.
PHOTO/S: @xianlim on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results