Jason Abalos, ayaw matulad sa mga idolong artista na nawala sa sirkulasyon

by Jojo Gabinete
Nov 16, 2021
jason abalos solo
Jason Abalos on advantage of online class to celebrities like him: “Hindi mo na kailangan magpabalik-balik sa eskuwela. Alam natin na marami tayong ginagawa bilang artista. Ito yung bigay ng pandemya sa atin. Sabi ko, kailangan kong i-take itong opportunity na 'to. After ng masteral degree, kung saka-sakali, ididiretso ko ng doctorate para kung anuman, legacy ko na yung makapagturo ako.”
PHOTO/S: @thejasonabalos on Instagram

Apat na taon nang contract star si Jason Abalos ng GMA Network, Inc. Ngayong 2021, muli siyang pumirma ng kontrata na tatagal ng tatlong taon.

Nagpapasalamat si Jason sa Kapuso Network management dahil sa mga proyektong ibinibigay sa kanya, pero hindi inilihim ng 36-year-old actor ang mga takot na nararamdaman bilang artista habang nadaragdagan ang edad niya.

“Nandito na ako sa panahon na natatakot ako. Aminin natin, ang mga nasa industriya, kapag medyo nagkakaedad ka na, medyo nagpe-fade out ka na sa limelight.

"So, kailangan ko matutunan kung papaano ako mag-stay nang matagal.

“Kung kailangan i-reinvent mo yung sarili mo para magtuluy-tuloy kasi talagang passion ko yung acting, mag-entertain ng mga tao.

“Masaya ako na kahit papaano, napapasaya ko sila. Nata-touch ko yung mga puso nila, yung mga buhay nila.

“Nae-excite ako kung bibigyan ako ng contravida roles. Seventeen years na ako sa showbiz, yung mga ginagawa ko, pare-parehas.

"Kaya nung napunta ako sa GMA-7, binibigyan ako ng rom-com, ginawa akong babae, sobra akong nae-excite,” pahayag ni Jason sa virtual presscon para sa kanya ngayong Martes ng hapon, November 16.

Continue reading below ↓

May pinanggagalingan ang takot ni Jason dahil nasaksihan nito nang personal ang kinahinatnan ng mga acting career ng mga aktor na iniidolo niya noong dekada ’90.

"Nagsimula ako sa showbiz, 2004. Nakita ko yung mga sobrang ina-idolize natin nung ‘90s, nakikita ko sila. Sabi ko, 'Bakit ganito ang nangyari?'

“Sobrang idol ko ito noong mga panahon na yun, 'Ba’t ngayon parang wala na sila?'

“Sabi ko, hindi pupuwedeng ito yung mangyari sa akin sa showbiz. Gusto kong maging Eddie Garcia ako. Gusto kong maging Albert Martinez ako,” pangako sa sarili ni Jason.

Aminado si Jason na marami siyang natutunan mula kay Albert, ang co-star niya sa afternoon drama series ng GMA-7 na Las Hermanas.

Hinahangaan ni Jason si Albert dahil apat na dekada na ang acting career nito, pero nananatili siyang relevant sa Philippine entertainment industry.

BACK TO SCHOOL

Ang pangarap ni Jason na makapagturo sa mga estudyante at makapagpatayo sila ng sariling paaralan ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton ang dalawa sa mga dahilan ng desisyon niyang muling mag-aral, kahit graduate na siya ng Bachelor of Science in Civil Engineering.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay naka-enroll si Jason sa online class ng Philippine Christian University dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng bachelor’s degree sa Public Administration.

Hindi maitatangging may kaugnayan ito sa kanyang kandidatura bilang board member sa pangalawang distrito ng lalawigan ng Nueva Ecija para sa halalan sa May 9, 2022.

Continue reading below ↓

Sabi ni Jason sa virtual presscon ngayong Martes ng hapon, November 16, “Nakikita ko kasi na sobrang laking advantage nitong mga online class sa mga artista.

“Hindi mo na kailangan magpabalik-balik sa eskuwela. Alam natin na marami tayong ginagawa bilang artista.

"Ito yung bigay ng pandemya sa atin. Sabi ko, kailangan kong i-take itong opportunity na 'to.

"After ng masteral degree, kung saka-sakali, ididiretso ko ng doctorate para kung anuman, legacy ko na yung makapagturo ako.”

Ipinauubaya pa rin daw niya ang lahat sa Panginoong Diyos.

Saad ni Jason, “Kung ano yung plano ni Lord para sa akin, dun ako. So, ang talagang gusto kong gawin ngayon, ihanda yung sarili ko sa mga plano Niya.

“Kami ni Vickie, gusto naming magtayo ng sariling school. Ang dami kasi nating kabataang nawawalan ng future dahil hindi nakakapag-aral.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos on advantage of online class to celebrities like him: “Hindi mo na kailangan magpabalik-balik sa eskuwela. Alam natin na marami tayong ginagawa bilang artista. Ito yung bigay ng pandemya sa atin. Sabi ko, kailangan kong i-take itong opportunity na 'to. After ng masteral degree, kung saka-sakali, ididiretso ko ng doctorate para kung anuman, legacy ko na yung makapagturo ako.”
PHOTO/S: @thejasonabalos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results