Diego Loyzaga, nakikita si Barbie Imperial na magiging ina ng kanyang mga anak

by Jojo Gabinete
Nov 16, 2021
barbie imperial diego loyzaga zoom
Barbie Imperial on being paired with boyfriend Diego Loyzaga: “Sobrang saya dahil sinabi ko naman before na gusto ko talagang maka-work si Diego. Grateful ako sa Viva na binigyan nila ako ng project na kasama si Diego. Meron pa kaming actually gagawin sa Viva, and happy ako na si Diego yung una kong nakasama."
PHOTO/S: Zoom

Ipinakita nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang matinding pagmamahal nila sa isa’t isa sa virtual media conference ng Dulo ngayong Martes ng gabi, November 16, 2021.

Hanggang sa dulo o katapusan ng press conference, nasaksihan ng invited entertainment writers ang public display of affection ng magkasintahan.

Lumitaw ang pagiging hopeless romantic ni Diego nang sabihin nitong nakita niya sa 23-year-old actress na ito ang magiging ina ng kanyang mga anak.

Saad niya, “Consistent ako sa lahat ng interviews ko, sinasabi ko na yung nakita ko kay B, sinabi ko sa sarili ko na if ever I date a girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children.

“Kailangan may ganoon siyang factor.

"And nakita ko yun kay B, really early pa sa relationship, noong nanliligaw pa lang ako sa kanya — how organized she is as a person when it comes to work.

“She’s maternal. Sobrang caring niya like a mom, yun ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya.”

Continue reading below ↓

"B" ang term of endearment ni Diego kay Barbie.

May nakita rin si Diego na ugali ng kanyang inang si Teresa Loyzaga na taglay ni Barbie.

Aniya, “Makulit sila pareho in the sense na alam mo yung nanay, paulit-ulit may ipinapaalaala, ‘Anak, huwag mong gawin ito. Anak, gawin mo ‘yan.’

“Sobrang caring nilang dalawa and, yes, nakita ko yun sa kanya, especially with my past.

"I don’t know how much you know [about ] my past or how much the public knows [about] my past, basta meron akong pinagdaanan noon, and Barbie accepted that and helped me move forward also with my life.”

Samantala, maligayang-maligaya naman si Barbie dahil natupad ang pangarap niyang makapareha si Diego sa isang pelikula kaya nagpapasalamat siya sa Viva.

Sabi ng Kapamilya actress, “Sobrang saya dahil sinabi ko naman before na gusto ko talagang maka-work si Diego.

"Grateful ako sa Viva na binigyan nila ako ng project na kasama si Diego. Meron pa kaming actually gagawin sa Viva, and happy ako na si Diego yung una kong nakasama."

Continue reading below ↓

Ipagdiriwang nina Barbie at Diego sa December 11 ang unang anibersaryo ng kanilang relasyon.

Higit itong magiging makabuluhan dahil sa December 10 ang streaming sa Vivamax ng Dulo, na mula sa direksiyon ni Fifth Solomon at magsisilbi bilang anniversary presentation ng real-life couple.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial on being paired with boyfriend Diego Loyzaga: “Sobrang saya dahil sinabi ko naman before na gusto ko talagang maka-work si Diego. Grateful ako sa Viva na binigyan nila ako ng project na kasama si Diego. Meron pa kaming actually gagawin sa Viva, and happy ako na si Diego yung una kong nakasama."
PHOTO/S: Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results