PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela, masayang ibinalitang cancer-free na ang kanyang ina

"Napakabuti Niya kasi nalampasan namin, konting-konti na lang talaga."
by Jojo Gabinete
Published Nov 18, 2021
rita daniela mother
Rita Daniela on victorious battle of her mother, Rosanna Iringan (right), with breast cancer: "Grabe, two years din yun. Almost two years din siya na nag-chemotherapy, lahat ng treatments. Napakabuti talaga ng Diyos kasi nangyari ‘yon sa loob ng pandemic. Napakabuti Niya kasi nalampasan namin, konting-konti na lang talaga."
PHOTO/S: @msritadaniela on Instagram

“I love Jesus Christ! Grabe!”

Ito ang maligayang-maligayang pahayag ni Rita Daniela nang ibalita niya sa Cabinet Files na cancer-free na ang kanyang ina na si Rosanna Iringan.

Breast cancer ang karamdaman ni Rosanna, at taus-puso ang pasasalamat ni Rita dahil dininig ng Panginoong Diyos ang lahat ng mga dasal niyang gumaling na ang pinakamamahal na ina.

Saad ng 26-year-old Kapuso actress-singer, “My mom, okay na siya, malapit nang matapos ang chemotherapy niya this December. Last chemotherapy na niya yun.

"After that, maghihintay na lang kami ng sasabihin ng doktor niya... she’s cancer free na!

"Grabe, two years din yun. Almost two years din siya na nag-chemotherapy, lahat ng treatments.

"Napakabuti talaga ng Diyos kasi nangyari ‘yon sa loob ng pandemic. Napakabuti Niya kasi nalampasan namin, konting-konti na lang talaga."

Nagkaroon ng palaban at matapang na image si Rita noong kontrabida roles pa ang kanyang mga ginagampanan. Pero sa tunay na buhay, isang mapagmahal at responsable siyang anak at kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dala ng matinding kaligayahan, hindi nakalimutan ni Rita na pasalamatan ang mga doktor at nurse ng Philippine General Hospital na nag-alaga sa kanyang ina.

“I am so excited talaga na kausapin yung doktor niya. Shoutout sa lahat ng mga taga-PGH, yung doctors ng mom ko, si Dr. Ignacio, si Miss Rachel...

"Thank you, thank you very much po for all your love and support for my mom, at sa lahat po ng nurses diyan.

"Thank you very much. Mabuhay kayong lahat!"

HAPPY WHERE SHE IS NOW

Nagsimula ang showbiz career ni Rita nang sumali siya sa Popstar Kids, ang singing competition ng QTV 11 noong 2005, kung saan siya ang itinanghal na champion.

Ang tatay niyang si Red Valdez ang madalas na kasama ni Rita sa mga showbiz commitment niya noon. Sa kasamaang-palad, pumanaw si Red noong December 2015 kaya hindi na niya nakita ang mga magagandang nangyari sa acting career ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Rita, “Hindi man kumpleto ngayon ang lahat ng mga hinahanap ko, pero masaya ako kasi lahat ng kailangan ko, so far, ibinibigay sa akin ng Panginoon.

“And that alone, I should be really really happy. Sobrang blessed ko.

“Alam ko naman na hindi ko man siya [her father] nakikita physically, kasi nasa heaven siya, but I know, happy siya and he’s proud of me.”

Napag-usapan ang mga magulang ni Rita dahil sa karakter na ginagampanan niya sa "Anyare Sa 'Yo," ang episode ng Regal Studio Presents na mapapanood sa GMA-7 sa Linggo, November 21.

Isang dating sikat na child star, na Baby Girl ang pangalan, na lumamlam ang takbo ng showbiz career ang role ni Rita sa Regal Studio Presents.

Naramdaman ni Rita na tailor-made para sa kanya ang script na isinulat ni Joey Reyes.

Pero ang pagkakaiba lang, hindi siya nanghinayang sa kanyang pansamantalang pagkawala noon sa entertainment industry dahil ibinuhos niya ang atensiyon sa pag-aaral.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nang mabasa ko yung script, sabi ko, 'Hala, parang katulad siya ng sa akin [buhay]!'

"Kasi I started when I was ten years old. From Rita Iringan, the contestant, naging Rita de Guzman na kontrabida, at Rita Daniela now.

“Yung feeling na talagang parang hindi rin ako nahirapan to portray yung role ni Baby Girl. Super nakaka-relate ako.

"Kailangan ko i-outgrow yung feeling of being a childstar."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela on victorious battle of her mother, Rosanna Iringan (right), with breast cancer: "Grabe, two years din yun. Almost two years din siya na nag-chemotherapy, lahat ng treatments. Napakabuti talaga ng Diyos kasi nangyari ‘yon sa loob ng pandemic. Napakabuti Niya kasi nalampasan namin, konting-konti na lang talaga."
PHOTO/S: @msritadaniela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results