Jak Roberto, level up na sa leading-man status

by Jojo Gabinete
Nov 21, 2021
Jak Roberto, nagbunga ang sipag at tiyaga sa pagtaguyod ng kanyang showbiz career sa Kapuso network. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang leading man status sa "Anyare Sa'Yo" episode ng GMA Regal Studio Presents na umere ngayong Linggo ng hapon.
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network

“Happy, blessed, thankful sa career, lovelife at health," ang sagot ni Jak Roberto sa mga magtatanong ng ‘Anyare sa’yo?” mula nang magsimula noong 2011 ang kanyang showbiz career bilang mainstay ng Walang Tulugan with the Master Showman, ang late night Saturday variety show ng pumanaw na starbuilder at television host na si German Moreno.

Malaki ang pasasalamat ni Jak dahil ang weekly exposure nito sa Walang Tulugan ang dahilan kaya hindi niya naranasan na maging biktima ng diskriminasyon noong baguhan siyang artista.

“Nagsimula ako sa Walang Tulugan. After two years, dun ako binigyan ng chance na mag-sign sa GMA Artist Center.

“May mga guesting na, nagsimula ako bilang friend ni ganito. Eventually, naging third wheel ako ni ganito, ni ganyan tapos binigyan na ako ng chance para maging Kapuso leading man, kaya sobrang thankful ako sa lahat ng pinagdaanan ko bago ko na-achieve kung anuman ang meron ngayon.

“Kumbaga, slowly but surely, kaya happy ako sa lahat ng naging mga experience ko kasi ito rin talaga yung nagturo sa akin para ma-mold at maging ganito,” ang pagbabalik-tanaw ni Jak sa nakaraan nang makausap siya ng Cabinet Files.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang maging aktor ang pangarap ni Jak kaya hindi niya naramdaman na matagal na panahon ang kanyang hinintay bago siya nabigyan ng mga television assignment.

At kung natagalan man ang paghihintay niya, hindi pumasok sa isip ni Jak na talikuran ang showbiz at subukan ang kanyang kapalaran sa ibang propesyon.

“Every time na hindi ko nakukuha yung isang project o hindi ako naka-cast sa mga show, mas iyon ang nagmu-motivate sa akin to improve myself physically, mentally…lahat ipine-prepare ko.

“Naka-mindset ako na ito ang gusto ko, wala ako sa point na mag-exit o mag-quit. Basta straightforward ako sa gusto kong mangyari.

“Naniniwala ako na kapag ginawa mo yung tama saka minahal mo yung trabaho mo, eventually, ibibigay rin sa’yo and feeling ko, yun ang nangyayari ngayon at gusto ko talaga i-grab yung opportunity,” ang sabi ni Jak na leading man ni Rita Daniela sa "Anyare Sa ’Yo," ang episode ng Regal Studio Presents ng GMA-7 na mapapanood ngayong Linggo ng hapon, November 21, 4:35 pm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jak Roberto, nagbunga ang sipag at tiyaga sa pagtaguyod ng kanyang showbiz career sa Kapuso network. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang leading man status sa "Anyare Sa'Yo" episode ng GMA Regal Studio Presents na umere ngayong Linggo ng hapon.
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results