PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sikat na Kapuso actress, napiling maging hurado sa Miss Universe 2021

Sino ang Kapuso actress na ito?
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Ngayong Sabado, November 27, ang alis ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez patungo sa Eilat, Israel para sa grand coronation ng 70th Miss Universe na magaganap sa December 12, 2021.

Hindi lamang ang pagsali ni Beatrice ang pagtutuunan ng atensiyon ng mga Pilipino sa Miss Universe 2021 dahil imbitado para maging hurado sa prestihisyong international beauty pageant ang isang sikat na Kapuso actress.

Inaayos na ng aktres ang mga travel requirement para sa kanyang biyahe sa Israel.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong mapapalayo ang aktres mula sa kanyang asawa at mga anak, at unang biyahe rin niya sa labas ng bansa buhat nang magkaroon ng coronavirus pandemic.

Napili ng Miss Universe Organization ang aktres bilang isa sa mga hurado sa 70th Miss Universe dahil sa kanyang kagandahan at mga accomplishment bilang aktres at ina.

Ang aktres ang pang-apat sa mga Philippine showbiz personality na naimbitahang hurado sa Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna si Kuh Ledesma sa 40th Miss Universe na ginanap sa Las Vegas, Nevada noong May 17, 1991.

Pangalawa si Lea Salonga sa 60th Miss Universe na idinaos sa São Paulo, Brazil noong September 12, 2011.

Pangatlo si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagsilbing judge sa 66th Miss Universe na nangyari sa Las Vegas, Nevada noong November 26, 2017.

Bukod sa mga nabanggit na personalidad mula sa entertainment industry, naging hurado rin sa mga nakaraang Miss Universe sina dating UN General Assembly President Carlos P. Romulo (Miss Universe 1974; Manila, Philippines), fashion designer Josie Cruz Natori (Miss Universe 1989; Cancun, Mexico), business tycoon Emilio Yap (Miss Universe 1994; Manila, Philippines), Senator Manny Pacquiao (Miss Universe 2014; Florida, USA), fashion designer Monique Lhuillier at architect Richelle Singson-Michael (Miss Universe 2018; Bangkok, Thailand).

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results