Watch Now

Pops Fernandez, kinumpirmang naging "jowa" noon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual

by Jojo Gabinete
Dec 1, 2021
aga pops piolo jojowain o totropahin
Sa pamamagitan ng "Jojowain o Totropahin Challenge" kasama ang mga kaibigan, inamin ni Pops Fernandez na naging jowa niya noon sina Aga Muhlach (kaliwa) at Piolo Pascual (kanan).
PHOTO/S: File / @popsfernandezofficial on Instagram / Raymund Isaac for PEP.ph

Luma na ang balitang nagkaroon noon ng relasyon si Pops Fernandez kina Aga Muhlach at Piolo Pascual, pero walang narinig na kumpirmasyon mula sa kanila.

Hanggang aminin ni Pops ang katotohanan sa "Jojowain, Totropahin, Dededmahin o Dadakmain Challenge," ang bagong content na mapapanood sa YouTube channel ng dating Concert Queen ngayong Miyerkules, December 1.

Kasama ni Pops sa katuwaan ang kanyang mga kaibigang si Joy Ortega at ang magkapatid na Lara Melissa de Leon at Toni Abad.

Ang mga pangalan nina Gabby Concepcion, Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Coco Martin, Derek Ramsay, Dennis Trillo, Luis Manzano, Xian Lim, Piolo, at Aga ang ilan sa local male actors na nabanggit sa "Jojowain, Totropahin, Dededmahin o Dadakmain Challenge" nina Pops, Joy, Toni, at Lara habang umiinom sila ng tila wine o champagne.

Nang banggitin ang pangalan ni Piolo, sinabihan ni Toni si Pops ng “Be honest!”

Natatawang pag-amin naman ni Pops: “Na-jowa ko na siya so Jojowain. Jowa lang, ha?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan naman ito ni Joy ng “Revelations…!”

pops fernandez youtube

Nang ang pangalan na ni Aga ang napag-usapan, “Nasa listahan, wala akong choice,” depensa muna ni Pops.

Pero natawa niyang sagot, “Totropahin”

Nagpaliwanag naman si Pops nang tawagin siyang “plastic” nina Joy, Toni at Lara.

“Hindi nga… friends…. bakit? Ex ko na siya so friends na tayo,” nakangiting reaksiyon ni Pops sa panunukso sa kanya ng mga kaibigan kay Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

pops fernandez youtube

Hindi lamang sina Aga at Piolo ang mga aktor na inamin ni Pops na nakarelasyon nito dahil ex-boyfriends din niya sina Jomari Yllana at Brad Turvey, pero masyadong pribado noon ang kanyang love life.

Posibleng may kinalaman ang maturity ni Pops, na hindi maipagkakailang binago rin ng social media ang mga paniniwala, kaya nagpapakatototo na siya at hindi na natatakot aminin sa publiko ang kanyang mga nakaraang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga bagong rebelasyon ni Pops tungkol kina Aga at Piolo ang nagbigay ng dahilan sa ibang mga babae para kaiinggitan siya dahil mga guwapo at sikat ang mga dating karelasyon ng Concert Queen ng Pilipinas, kabilang ang kanyang ex-husband na si Martin Nievera.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng "Jojowain o Totropahin Challenge" kasama ang mga kaibigan, inamin ni Pops Fernandez na naging jowa niya noon sina Aga Muhlach (kaliwa) at Piolo Pascual (kanan).
PHOTO/S: File / @popsfernandezofficial on Instagram / Raymund Isaac for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results