PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex and Toni Gonzaga's unbreakable bond as sisters

Toni at Alex, sandigan ang isa't isa sa lungkot at ligaya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 3, 2021
Toni and Alex Gonzaga for MMFF 2021 entry Exorcis; Alex Gonzaga kissing sister Toni Gonzaga
Toni Gonzaga on younger sister Alex: "Lagi kaming may time ni Alex for each other kasi I think nakatulong din na dalawa kami, so talagang yung bond na nabuo namin, connected na talaga kami kahit magkalayo kami." Seen in the right photo is Alex kissing Toni during Paul Soriano's birthday last October.
PHOTO/S: Exorcis / @cathygonzaga Instagram

Si Toni Gonzaga ang bida at ang pag-aari niyang film company na TinCan Productions ang producer ng Exorsis, isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2021.

Mag-uumpisa ang Filipino-films-only festival sa December 25, 2021 at matatapos sa January 7, 2022.

Co-stars ni Toni ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga at ang kaibigan nilang si Melai Cantiveros.

Para sa actress-producer, ang shooting ng kanilang pelikula ang isa sa mga pinakamasayang karanasan niya sa panahon ng coronavirus pandemic.

Kuwento ni Toni, "Nung nagluwag na at puwede nang mag-shoot para sa pelikula, sobrang grateful ko na nakasama ko itong cast na ’to. They’re such a joy to work with. Parang hindi kami nagsu-shooting.

"Feeling namin, nag-retreat lang kami dahil mas marami yung bonding moments. Ang saya-saya, sobra akong grateful dahil tinanggap nila yung proyekto tapos nag-enjoy sila na ginawa yung pelikula.

"I like doing comedy films tapos horror, kasi this brings back mga memories yung mga unang pelikula na ginawa ko sa Star Cinema, yung D’Anothers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng press si Toni sa digital media conference ng Exorsis na naganap ngayong Biyernes ng gabi, December 3, 2021.

Walang pressure na nararamdaman si Toni nang mapili bilang official entry sa MMFF 2021 ang Exorsis dahil hindi raw nila ginawa ang pelikula para rito.

At para hindi makaramdam ng pressure, madalas na ipinapaalaala ni Toni kay Alex ang mga karanasan nila sa panonood ng mga pelikulang kalahok sa MMFF noong hindi pa sila mga artista.

"Kahit noong unang beses na sumali kami sa MMFF, para hindi kami ma-pressure ni Alex, ang lagi naming pinag-uusapan, 'Naalaala mo, Catherine [Alex], nung bata tayo, lagi tayong pumipila pag MMFF sa Sta. Lucia East Grand Mall?'

"Tapos the mere fact na makita lang namin yung poster natin na nakahilera sa mga pelikula na pagpipilian [na panoorin] sa MMFF, parang we’ve come a long way.

"Yun lagi ang sinasabi ko sa kanya, 'Imadyinin mo, Catherine, dati nanonood lang tayo ng MMFF, ngayon isa na tayo sa pagpipilian sa MMFF.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas iniisip namin na magpasalamat na lang tayo dahil kasama tayo sa choices. Dati kami yung nanonood, ngayon kami na yung napapanood," pagbabalik-tanaw ni Toni.

Toni Gonzaga for MMFF 2021 entry Exorcis

ON SISTERHOOD WITH ALEX

Hindi lamang ang pagbibida nila sa Exorsis ang pinag-usapan sa naganap na media conference dahil nagsalita rin sina Toni at Alex tungkol sa kanilang relasyon bilang magkapatid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw hadlang na may kanya-kanya na silang asawa para manatili ang closeness nila.

Saad ni Toni, "Lagi kaming may time ni Alex for each other, kasi I think nakatulong din na dalawa kami, so talagang yung bond na nabuo namin, connected na talaga kami kahit magkalayo kami.

"We may not be physically together all the time, pero yung communication namin, laging tuluy-tuloy.

"So, lagi kaming updated sa mga pangyayari sa buhay ng bawat isa, yung mga milestone, kung anuman yung mga pinagdadaanan ng bawat isa, lagi kaming present," ani Toni.

Alex Gonzaga for MMFF 2021 entry Exorcis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALEX ON BREAKING THE NEWS OF HER MISCARRIAGE TO TONI

Ipinagtapat naman ni Alex na si Toni ang kanyang unang sinabihan nang malaman niyang buntis siya sa dapat sana'y magiging panganay na anak nila ni Mikee Morada.

"Actually, ang ate ko ang una kong sinabihan when I got pregnant. And then, siya rin yung isa sa mga una kong sinabihan nang hindi maging maganda yung outcome.

"Ang ate ko, hindi mo man mararamdaman yung physically na nandiyan siya because iba na yung bahay niya, pero her presence, her love, and yung care niya, nararamdaman mo."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga on younger sister Alex: "Lagi kaming may time ni Alex for each other kasi I think nakatulong din na dalawa kami, so talagang yung bond na nabuo namin, connected na talaga kami kahit magkalayo kami." Seen in the right photo is Alex kissing Toni during Paul Soriano's birthday last October.
PHOTO/S: Exorcis / @cathygonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results