PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga at Barbie Imperial, nag-share ng relationship advice

"Don't lie. Don't cheat."
by Jojo Gabinete
Published Dec 5, 2021
Barbie Imperial
Diego Loyzaga
Payo nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, ang pagiging totoo at mapag-unawa ang susi sa pangmatagalang relasyon. Sa December 11 ang kanilang first anniversary, at ito rin ang umpisa ng streaming ng kanilang pelikulang Dulo sa Vivamax.

Nagsalita si Diego Loyzaga sa umpisa ng virtual presscon ng pelikulang Dulo noong Biyernes, December 3, na hindi nila sasagutin ni Barbie Imperial ang mga tanong na walang kinalaman sa pelikula na ipinu-promote nila, kaya hiningi niya ang pang-unawa ng entertainment writers na malugod na pinagbigyan ang kanilang kahilingan.

Sa kabila ng kanilang pakiusap, hindi naging maramot sina Diego at Barbie sa pagsagot sa mga katanungan tungkol sa relasyon nila.

Nang tanungin tungkol sa posibleng dahilan para humantong sa dulo o katapusan ang relasyon nila, "cheating" ang siguradong-siguradong sagot ni Barbie.

“Para sa akin, cheating talaga. Siyempre, kapag feel ko na rin at alam ko na sobra nang dami ng lies, sobrang dami nang itinatago.

“Kapag siguro paulit-ulit na lang yung mga story na same lang yung mga ginagawa, paulit-ulit na lang, yun talaga,” ang sabi ni Barbie na pinaboran ni Diego dahil sa mga kasunduan nila noong nag-uumpisa pa lamang ang kanilang relasyon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Exactly the same,” ang reaksyon ni Diego.

“Sorry, I don’t mean to like shorten my answer but that’s exactly how I feel. Dun din kami nag-bonding kasi we both agreed that’s the point, that’s the limit, if something like that happens, it’s hard.

“There are couples out there na nagkaroon ng cheating, ng betrayal, pero kaya nila. Pero sa aming dalawa, as of this moment, that’s something na hindi namin kaya yun.

“We promised so much to each other, we plan so much with each other. We have plans of getting a house, maybe make investments, we want to do so much,” ang pahayag ni Diego na umaasa na hahantong sa pagpapakasal ang pagsasama nila ni Barbie.

At para umabot naman sa dulo o forever ang relasyon ng dalawang nagmamahalan, nagbigay ng tips sina Barbie at Diego nang hingin ang mga opinyon nila.

“Don’t lie. Don’t cheat. Maging honest ka lang kahit alam mo na masasaktan yung tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas okay yun kesa itago mo tapos pagmukhain mong tanga yung partner mo. Minsan, sinasabi natin na nakikinig naman tayo pero hindi naman talaga pumapasok sa utak.

“Parang okay, nakikinig ka lang pero wala naman pag-iintindi, so importante na kapag nakikinig ka, iniintindi mo rin,” ang "relationship advice" ni Barbie.

Diin naman ni Diego, "For guys, understanding talaga. Let’s be honest, understanding. You gotta put your girl first. That’s the truth. Totoo iyan.”

Ipagdiriwang nina Barbie at Diego ang unang taon ng kanilang relasyon sa December 11, 2021 na magiging makabuluhan dahil sa December 10 ang umpisa ng streaming sa Vivamax ng Dulo, ang relationship movie na pinagbibidahan nila at mula sa direksyon ni Fifth Solomon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Payo nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, ang pagiging totoo at mapag-unawa ang susi sa pangmatagalang relasyon. Sa December 11 ang kanilang first anniversary, at ito rin ang umpisa ng streaming ng kanilang pelikulang Dulo sa Vivamax.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results