Pangarap ni Marian Rivera na makilala nang personal ang Wonder Woman star na si Gal Gadot sa pagpunta ng Kapuso actress sa Israel ngayong Lunes, December 6.
Kabilang si Marian sa mga miyembro ng selection committee ng 70th Miss Universe na magaganap ang grand coronation sa December 12 sa Eilat, Israel.
“Sobrang wish kong makilala si Gal Gadot. Sana mami-meet ko siya.
"Gusto ko talaga makilala at makita si Gal Gadot. Sana mabigyan ako ng chance," sabi ni Marian nang makausap siya ng entertainment writers sa virtual presscon ng announcement ng partisipasyon niya sa 70th Miss Universe noong Biyernes, December 3.
Malaking balita para sa mga tagahanga ni Marian kung sakaling matupad ang pangarap ng kanilang idolo na makilala nang personal si Gal dahil pareho silang gumanap na superhero character—si Marian bilang Darna sa primetime television series ng GMA-7 noong 2009 at si Gal na binigyang-buhay si Wonder Woman sa pelikula noong 2016, 2017, at 2020.

Kung miyembro si Marian ng selection committee ng 70th Miss Universe, may koneksiyon din si Gal sa prestigious international beauty pageant dahil siya ang kinatawan ng Israel sa 53rd Miss Universe na ginanap noong June 1, 2004 sa Quito, Ecuador.
Kahit thank-you girl si Gal sa beauty contest na sinalihan, mas sumikat siya nang husto kesa sa 2004 Miss Universe winner na si Jennifer Hawkins ng Australia nang mapasakamay niya ang role ni Wonder Woman noong 2016.

At any rate, kahit may bahay si Gal sa Tel Aviv, malabo ang posibilidad na magkita sila ni Marian nang personal sa Israel dahil naninirahan siya at ang kanyang pamilya sa Los Angeles, California.
Besides, walang imbitasyon kay Gal na maging bahagi ng 70th Miss Universe.
Going back to Marian, sinabi niyang nasa alapaap ang kanyang pakiramdam dahil malaking karangalan na naimbitahan siya bilang selection committee member ng 70th Miss Universe.
Kumpara kay Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez na apat lang ang dalang maleta nang pumunta sa Israel, siyam na bagahe ang bitbit ni Marian.
Pero nagsalita ang stylist ni Marian na pipilitin nitong walo lamang ang mga maletang dadalhin ng 37-year-old actress.
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.