Ang ipatanggal ang kanyang breast implants ang isa sa mga plano ni AJ Raval sa 2022.
Hindi na raw kasi komportable ang pakiramdam niya.
Sa virtual media conference ng Crush Kong Curly na kasalukuyang nagaganap ngayong Huwebes ng hapon, December 9, 2021, ipinagtapat ni AJ ang pagpaparetoke niya ng dibdib noong nakaraang taon.
Ikinuwento ni AJ na, noong 2020, may nagmungkahing magpadagdag siya ng boobs at nangibabaw sa kanya ang excitement kaya ginawa niya.
“Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado.
”Naging happy naman po ako pero ang dami ko pa rin realizations and I’m planning na ipatanggal ko next year.
“I’m planning po, kasi last year, nagpa-enhance po ako ng boobs. Ayoko pong magsinungaling, natural na po sa akin yun.
“Pero planning po ako na ipatanggal next year. Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko.
”Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious.
”Planning po ako next year na ipatanggal,” pagpapakatotoo ni AJ sa sarili at sa entertainment press na kaharap niya sa digital mediacon ng Crush Kong Curly.
Bukod sa balak na pagpapatanggal ng breast implants, gusto ni AJ na magkaroon ng makinis na balat.
“Kung may ipapabago po ako, yung skin ko po, kasi sobrang conscious po ako sa skin ko. Malikot po ako noong bata ako.
“Lagi po akong nadadapa tapos ngayong age ko po na ito, mahilig ako sa mga activity, jetski, Muay Thai, ATV… lagi po akong nasusugatan. Lagi po akong nagkakaroon ng pasa.
”So, gusto ko po ipa-enhance yung skin ko,” pahayag ni AJ.