PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN News crew at BBM-Sara supporters nagkagirian sa Quezon City

Grand caravan nina Bongbong at Sara sa Quezon City, lumikha ng matinding traffic
by Jojo Gabinete
Published Dec 9, 2021
bbm duterte abs-cbn encounter
Nagkainitan ang mga tagasuporta nina Bongbong Marcos at Sara Duterte at ang ilang crew ng ABS-CBN News sa grand caravan ng dalawang kandidatong tumatakbo para sa 2022 elections sa may Quezon City kahapon, December 8. Ayon sa mga ulat, tinawag ng kung anu-ano ng BBM-Sara supporters ang ABS-CBN crew at ginantihan naman ito ng middle finger gesture ng isang ABS-CBN crew na nag-cover sa grand caravan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Holiday kahapon, December 8, bilang paggunita sa Kapistahan ng Immaculate Conception o Kalinis-Linisan na Paglilihi.

Pero matinding dusa ang naranasan ng mga pasahero at motorista sa bahagi ng Commonwealth at Quezon Avenues sa Quezon City dahil sa grand caravan nina presidential aspirant Bongbong Marcos, vice presidentiable Sara Duterte, at ng kanilang mga tagasuporta.

Nagsimula ang grand caravan ng alas-otso ng umaga sa harap ng Commission on Audit sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Natapos ito ng ala-una ng hapon sa Welcome Rotonda, Quezon Avenue.

Normally, tumatagal lamang ng tatlumpo’t siyam (39) na minuto ang pagbagtas sa 14.7 kilometro na distansiya mula sa Commonwealth Avenue hanggang sa Welcome Rotonda.

Pero kahapon, umabot sa limang oras ang biyahe dahil sa grand caravan ng grupo nina Marcos at Duterte.

Nagreklamo rin ang mga residente ng isang kalapit na subdivision dahil sa tindi ng traffic at abala na nilikha ng motorcade.

Humingi ng paumanhin sa Quezon City government ang mga organizer ng BBM-Duterte motorcade sa malubhang traffic situation na idinulot ng pagtitipon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inakusahan naman ng local government officials ang mga nag-organisa ng grand caravan ng hindi pagsunod sa mga napagkasunduan sa kanilang pag-uusap noong December 6, 2021.

Hindi lamang ang mga motorista at pasahero ang naapektuhan ng grand caravan. Kinuyog at pinagsalitaan ng masasakit ng BBM-Duterte supporters ang news team ng ABS-CBN na sinubaybayan ang mga kaganapan.

"Biased" at "ABS-CBN, booo, nakabaon na kayo sa lupa!" ang ilan sa mga salitang isinigaw ng ilang BBM-Duterte supporters sa news team ng ABS-CBN.

Nadagdagan ang tensiyon nang hindi nakatiis na sumenyas ng bad finger sign ang isang empleyadong sakay ng crew cab ng Kapamilya Network kaya kinuyog sila ng rabid supporters nina Bongbong at Sara.

Pero pinatakbo na ng ABS-CBN News crew ang sasakyan nila kaya wala nang nangyaring sakitan sa magkabilang panig.

Ang ABS-CBN ang isa sa mga TV network na ipinasara ng diktador at former President Ferdinand Marcos, ama ni Bongbong, nang magdeklara ito ng Batas Militar noong September 21, 1972.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagpapatalsik kay Marcos sa puwesto noong February 25, 1986 dahil sa unang People Power Revolution sa EDSA ang naging instrumento para ibalik ng Cory Aquino government sa pamilya Lopez ang ABS-CBN noong July 16, 1986.

Makalipas ang tatlumpu’t apat (34) na taon, muling nagsara ang ABS-CBN noong July 10, 2020 dahil pinagkaitan ng prangkisa ng mga miyembro ng House of Representatives ang Kapamilya Network.

Pero naniniwala ang supporters ng ABS-CBN na malaki ang kinalaman ni President Rodrigo Duterte sa nangyari.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkainitan ang mga tagasuporta nina Bongbong Marcos at Sara Duterte at ang ilang crew ng ABS-CBN News sa grand caravan ng dalawang kandidatong tumatakbo para sa 2022 elections sa may Quezon City kahapon, December 8. Ayon sa mga ulat, tinawag ng kung anu-ano ng BBM-Sara supporters ang ABS-CBN crew at ginantihan naman ito ng middle finger gesture ng isang ABS-CBN crew na nag-cover sa grand caravan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results