Dingdong Dantes, photographer at videographer ng misis na si Marian Rivera sa Miss Universe 2021

by Jojo Gabinete
Dec 13, 2021
marian dingdong miss universe 2021
Nakunan ng video si Dingdong Dantes (kanan) na may bitbit na videocam na nakatutok sa misis niyang si Marian Rivera (kaliwa) habang papunta sila sa Universe Arena para sa 70th Miss Universe.
PHOTO/S: Instagram

Dokumentado ni Dingdong Dantes ang lahat ng mga kilos at activities ng kanyang misis na si Marian Rivera mula nang dumating sila sa Israel noong December 7, 2021 para sa 70th Miss Universe.

Isa si Marian sa mga miyembro ng all-female international selection committee ng 70th Miss Universe. Kasama niya sa Israel si Dingdong na ibinigay ang buong suporta sa kanya.

Si Dingdong ang nagsilbing photographer at videographer ni Marian sa lahat ng activities nito bilang judge sa sikat na international beauty contest.

Nakunan ng video si Dingdong na may bitbit na videocam na nakatutok kay Marian habang papunta sila sa Universe Arena, ang venue ng coronation night ng 70th Miss Universe na live na napanood sa Pilipinas nitong Lunes ng umaga, December 13.

Marami ang kinilig sa pag-aasikaso, pagmamahal, at suportang ibinigay kay Marian ni Dingdong na low-key dahil nanatili lamang siya sa background.

Continue reading below ↓

Nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang mag-asawa sa December 16, pero sasailalim sila sa mandatory quarantine kaya malaki ang posibilidad na hindi makadalo si Dingdong sa fluvial Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2021 na magaganap sa Pasig River sa darating na Linggo, December 19.

Si Dingdong ang lead actor ng A Hard Day, ang official entry ng Viva Films sa film festival na mag-uumpisa sa December 25, 2021.

Malaki ang laban ni Dingdong sa best actor category sa Gabi ng Parangal ng MMFF dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Philippine adaptation ng blockbuster Korean action movie, na tumanggap ng mga papuri nang ipalabas sa Directors Fortnight ng Cannes Film Festival sa France noong May 2014.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakunan ng video si Dingdong Dantes (kanan) na may bitbit na videocam na nakatutok sa misis niyang si Marian Rivera (kaliwa) habang papunta sila sa Universe Arena para sa 70th Miss Universe.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results