PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit "King Ina" ang pangalan ni Manilyn Reynes sa Mang Jose?

Manilyn Reynes, naaliw sa kontrabida role sa Mang Jose.
by Jojo Gabinete
Published Dec 15, 2021
Manilyn Reynes and Janno Gibbs in Mang Jose
"Matagal ko nang gustong gawin ang ganyang role kaya lang hindi pa nabibigyan ng pagkakataon and, this time, dito nga sa Mang Jose ako na si King Ina," saad ni Manilyn Reyes. Bida sa pelikula ang kanyang former perennial leading man na si Janno Gibbs.
PHOTO/S: Mang Jose

“Star of the New Decade” ang titulong iginawad kay Manilyn Reynes noong kasikatan niya bilang teenage star noong dekada ’80.

Pero "The Star of All Decades" ang pakilala sa kanya ng presscon moderator na si Giselle Sanchez sa digital media conference ng Mang Jose na naganap ngayong Miyerkules ng hapon, December 15.

Memorable kay Manilyn ang Mang Jose dahil sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan niyang gumanap na kontrabida sa pelikula at, pangalawa, nagkasama sila ni Bing Loyzaga sa isang proyekto.

Si Janno Gibbs, na bida sa Mang Jose, ang asawa ni Bing sa tunay na buhay samantalang si Manilyn ang ex-girlfriend niya noong mga binata at dalaga pa sila.

"King Ina" ang pangalan ni Manilyn sa Mang Jose na isang klase ng pagmumura sa mga Pilipino kaya malakas ang recall nito sa publiko.

Sabi ni Manilyn, “Naaliw ako sa character, naaliw ako sa role ko sa totoo lang, kasi ang sarap niya na paglaruan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Matagal ko nang gustong gawin ang ganyang role kaya lang hindi pa nabibigyan ng pagkakataon and, this time, dito nga sa Mang Jose ako na si King Ina.

“Si Bing at ako, nagkaroon po kami ng chance na magkaroon ng bonding sa loob ng tent.

“Nagkuwentuhan lang kami. We had a good talk, nakakatuwa yung mga kuwentuhan.”

Ipinaliwanag ng direktor ng Mang Jose na si Rayn Brizuela tungkol sa desisyon nila ng writer na "King Ina" ang ipangalan sa villain character ni Manilyn.

Saad ng direktor, “Habang kino-conceptualize namin ng writer na si Carl Papa yung Mang Jose, gusto ko talagang i-mix yung slapstick humor before, yung nag-work sa ‘90s comedy and yung modern comedy.

“Isa siguro sa tumatak talaga na classic Pinoy comedy, lalo sa slapstick, is yung pag-play with words.

“I think, nandiyan si Joey de Leon, yung Roborats, yung mga yun. And growing up with these kind of humor, yun ang parang in-apply ko dito sa Mang Jose.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang pagbibigay hustisya sa pangalan ng karakter ni Manilyn na may dobleng kahulugan dahil tunog-mura, "puwedeng maging hari ang isang ina" ang "palusot" na pahayag ni Rayn.

“Of course, bihira yung feminine na super strong or parang recently na lang lumalabas yung women empowerment.

"So, I think, yung King Ina, yun ang nire-represent na parang a mother can be a king.

"Bonus na lang na parang tunog-mura siya, pero I assure you, safe na safe po naman lahat para sa mga bagets. So far, wala naman pong hindi angkop para sa mga bata.

"Yun po talaga ang meaning, mukhang pinipilit ko lang po.

"Pero bukod sa first time mag-portray nga ni Miss Manilyn sa isang pelikula bilang villain, nakasanayan ng mga tao, ng Filipino audience for many years na she’s the baby face, she’s the bida, siya yung laging inaapi.

"So, gusto natin na parang yung character niya talaga, mag-reflect na malakas, strong, but at the same time, funny pa rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"May mga mapapanood kayo na parts na contrasting yung ginagawa ni Miss Manilyn sa intention niya as a villain. So, yun po si King Ina," saad ni Direk Rayn.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Matagal ko nang gustong gawin ang ganyang role kaya lang hindi pa nabibigyan ng pagkakataon and, this time, dito nga sa Mang Jose ako na si King Ina," saad ni Manilyn Reyes. Bida sa pelikula ang kanyang former perennial leading man na si Janno Gibbs.
PHOTO/S: Mang Jose
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results