Kabilang ang Greed—ang comeback project ni Nadine Lustre sa kanyang mother studio—sa mga pelikula na mapapanood sa streaming site na Vivamax sa first quarter ng 2022.
“The much awaited comeback of Nadine Lustre will soon make waves sa Vivamax with Diego Loyzaga and directed by Yam Laranas,” ang announcement tungkol sa bagong project ni Nadine sa teaser na ipinakita sa thanksgiving party ng Vivamax para sa entertainment press noong December 22, 2021.
May kinalaman sa pagiging gahaman sa salapi ang kuwento ng comeback project ni Nadine sa Viva kaya “Hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng salapi?” ang catchphrase ng pelikula niya na kinunan sa isang bayan sa lalawigan ng Rizal na madalas na lokasyon ng mga nakaraang proyekto ni Laranas.
Ang Ulan at Indak ang dalawa sa huling movie projects na ginawa ni Nadine bago nito sinubukan na kumawala sa kanyang exclusive contract sa Viva.
Pero ang home studio niya ang pinaboran ng Quezon City Regional Trial Court.
Napanood sa mga sinehan ang Ulan noong March 13, 2019 at ang Indak noong August 7, 2019.
Ang mga pelikula na ibinigay ng Viva kay Nadine ang dahilan kaya nagkaroon siya ng mga best actress award at nominations.
Noong 2018, si Nadine ang Best Performer ng Young Critics Circle, Best Actress ng 67th FAMAS, at Pinakamahusay na Aktres ng 42nd Gawad Urian dahil sa pagganap niya sa Never Not Love You.
Noong 2019, si Nadine ang hinirang na Best Actress in a Leading Role ( Regional Winner for the Philippines) sa Asian Academy Creative Awards dahil sa kanyang karakter na ginampanan sa Ulan.
Use these Udemy coupons when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.