Kasama si Gerald Anderson nang ipagdiwang ng pamilya ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto ang Pasko.
March 2021 nang aminin ni Gerald sa publiko ang relasyon nila ni Julia na nabahiran ng kontrobersya pero nakatulong ang kanilang pagpapakatotoo dahil tanggap na ngayon ng mga tao ang pagmamahalan nila.
Noong December 17, 2021, inilunsad si Julia bilang kauna-unahang celebrity endorser ng isang beauty product at ang mga plano niya para sa Pasko ang itinanong sa kanya ng Cabinet Files.
“Christmas plans is like home with my mom and pag Noche Buena talaga, si Mommy ang nagluluto kasi palagi kaming may favorite dishes ni Mommy, so niluluto niya ‘yon lahat.
“On my end, siguro presence ko na lang. I’ll be there, I finish the food. I will enjoy. I will rest,” ang sabi ni Julia.
Pero sa mga larawan na ibinahagi ni Marjorie sa Instagram account nito, hindi lamang ang presence ng kanyang anak ang makikita dahil kasama nito si Gerald na tanggap na tanggap ng pamilya nila.
Sa kabila ng mga intriga na hinarap nila ni Gerald dahil sa kanilang relasyon, maganda ang naging takbo ng showbiz career ni Julia.
Dahil nagkaroon siya ng sariling television series sa TV5 at Vivamax, ang Di Na Muli at dalawang pelikula ang natapos niyang gawin, ang Expensive Candy na reunion project nila ng direktor na si Jason Paul Laxamana at ang Bahay Na Pula, ang horror movie na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.
Ipagdiriwang ni Julia sa March 10 ang kanyang 25th birthday at ang Bahay Na Pula na ipalalabas sa Vivamax simula sa March 18, 2022 ang magsisilbing post-birthday presentation niya.