PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Premiere telecast ng Happy ToGetHer, kasado na

Sino ang "remarkable star" na special guest sa Happy ToGetHer?
by Jojo Gabinete
Published Dec 26, 2021
John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz, kasama ang cast ng kaabang-abang niyang Kapuso sitcom na Happy ToGetHer. (Photo courtesy of GMA-7)

Mag-uumpisa ngayong Linggo ng gabi, December 26, 7:40 pm ang pagiging opisyal na Kapuso ni John Lloyd Cruz dahil sa premiere telecast ng kanyang sitcom, ang Happy ToGetHer, na matagal na pinag-usapan at pinagplanuhan bago nagkaroon ng katuparan.

Ang GMA-7 executive na si Joey Abacan ang nagsabing matagal na panahon ang ipinaghintay ng Kapuso Network bago nabuo at natuloy ang Happy ToGetHer.

“Ang tagal-tagal naming hinintay ito at tuwang-tuwa ako dahil ito yung nagsilbing Pamasko sa amin dito sa GMA.

“Ang tagal ng usapan, ang tagal namin naghintay, ang daming pinagplanuhan.

"And I would like to formally welcome one of our creative producers—not only an actor but also our creative producer—si Lloydie.

"So hopefully, mas marami pang gagawin si John Lloyd sa GMA," ani Joey tungkol sa sitcom ni John Lloyd na una at exclusive na ibinalita ni Willie Revillame sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 30, 2021.

Samantala, tanggap ni John Lloyd na hindi ito komedyante dahil ang magpatawa ang isa sa mga pinakamahirap na role para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nagpasalamat siya sa Happy ToGetHer comedians, pati na sa comedy writers at direktor ng unang programa niya sa GMA-7.

“Ang comedy naman, malaki yung suporta mula sa co-actors mo, yung mga totoong comedian na sumusuporta sa’yo, comedy writers at direktor.

"So, kahit hindi natin forte o labas sa comfort zone natin ang pagpapatawa, kahit papaano nagagampanan sa tulong ng mga kasama," ang paliwanag ni John Lloyd na marunong tumanaw ng utang na loob sa mga kasamahan niya sa Happy ToGetHer.

Nang tanungin sa posibilidad na mapanood siya sa Daddy’s Gurl, ang Saturday night sitcom ni Vic Sotto sa Kapuso Network, “Kung merong opportunity, I’ll be honored na mapadpad ako sa kanilang programa,” ang sagot ni John Lloyd na bukas din ang isipan sa idea na maging bisita si Vic sa kanyang show.

“Kami naman sa bahay namin sa Happy ToGetHer, siyempre, wine-welcome namin with open arms yung presence ni Bossing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinagdag ni John Lloyd na welcome sa Happy ToGether ang lahat ng mga artista ng Kapuso station pero may blind item siya na pinakawalan tungkol sa guesting ng isang "remarkable star" sa kanyang sitcom.

“Merong isang remarkable star pero hindi puwedeng i-share kung sino. Pero isa siyang singer, dancer total performer and then last night yung eksena namin, panalo.

“Parang I think na-capture ng eksenang yung, kumbaga e, heart and soul ng aming programa,” ang intriguing blind item ni John Lloyd na hindi nagbigay ng clue tungkol sa mystery guest ng Happy ToGetHer.

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz, kasama ang cast ng kaabang-abang niyang Kapuso sitcom na Happy ToGetHer. (Photo courtesy of GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results