PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes, nagbigay-pugay sa stand-in actor niya sa AlterNate

Stand-in actor ni Dingdong, taga-GMA-7 din.
by Jojo Gabinete
Published Jan 3, 2022
dingdong dantes alternate
Kambal na may pangalang Nate at Michael pero magkaibang-magkaiba ang ugali ang mga karakter na ginampanan ni Dingdong Dantes sa bagong episode ng I Can See You.
PHOTO/S: GMA Network

Dual role si Dingdong Dantes sa AlterNate, ang bagong episode ng drama anthology ng GMA-7 na I Can See You na magbabalik sa January 10.

Ang identity ng stand-in actor ni Dingdong ang aming gustong malaman kaya ito ang ipinatanong namin sa virtual media conference ng programa na naganap ngayong Lunes ng hapon, January 3, 2022.

Sadly, may ibang plano ang production team ng I Can See You tungkol sa mystery actor na gumanap na stand-in ni Dingdong kaya hindi na binanggit ang aming katanungan.

Pero bago natapos ang presscon, at kahit hindi tinatanong si Dingdong, ang Kapuso actor mismo ang nagboluntaryong magsalita tungkol sa mystery stand-in actor, isang asal na kahanga-hanga dahil hindi niya sinolo ang kredito sa pinupuring trailer ng AlterNate at sa outstanding portrayal na kanyang ipinamalas.

Patapos na ang question-and-answer portion ng presscon nang biglang sumingit si Dingdong.

Sabi niya, “Meron lang akong pahabol. Siguro narinig na nila halos lahat yung experiences namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero gusto ko lang sabihin na hindi rin mabubuo itong AlterNate na ito kung hindi dahil sa literal na alternate ko.

“At siguro, pretty soon, ire-reveal namin kung sino siya after the run, kasi hindi talaga magagawa naming lahat ito, hindi lang ako kung hindi dahil sa isang artistang ito, sa isang aktor na ito na taga-GMA na, literal, siya talaga si AlterNate.

"Napakahusay and I respect him so much and excited na excited ako na maipakilala siya sa inyo soon!"

Kapuri-puri ang ginawa ni Dingdong dahil kung ibang mga aktor ang nasa posisyon niya, posibleng hindi na nila maalaala ang importanteng kontribusyon ng stand-in actor sa kanilang proyekto.

Hindi nagbigay ng clue si Dingdong, pero ayon sa isang insider, tiniyak ng production team ng AlterNate na pareho ang height, body built, at pati style ng buhok nila ng mystery actor na kanyang tinutukoy.

Kambal na may pangalang Nate at Michael pero magkaibang-magkaiba ang ugali ang mga karakter na ginampanan ni Dingdong sa bagong episode ng I Can See You.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ito sa mga proyektong hindi malilimutan ni Dingdong dahil sa mapanghamong papel na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA Network Inc.

Naranasan ni Dingdong na gumanap na kambal sa isang TV series sa kauna-unahang pagkakataon at nasubukan niyang mawalay nang matagal sa kanyang pamilya dahil sa isang buwan na lock-in taping ng cast sa isang resort.

Higit sa lahat, sa trailer pa lang, pinupuri ang acting na ipinakita ni Dingdong na muling napatunayan ang kanyang versatility bilang actor dahil sa mahusay na pagganap niya sa A Hard Day at ngayon, sa AlterNate.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kambal na may pangalang Nate at Michael pero magkaibang-magkaiba ang ugali ang mga karakter na ginampanan ni Dingdong Dantes sa bagong episode ng I Can See You.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results