Pilot episode ng Mano Po Legacy, trending sa Twitter; Casie Banks, gustong mag-focus sa pag-arte

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2022
mano po legacy pilot episode
(From left) Rob Gomez, David Licauco, Boots Anson Rodrigo, Sunshine Cruz, Nikki Co, and Maricel Laxa in a scene from the pilot episode of Mano Po Legacy: The Family Fortune.
PHOTO/S: GMA Network

Ikinatuwa ng GMA Network at Regal Entertainment Inc. ang mainit na pagtanggap ng publiko sa pilot telecast ng Mano Po Legacy: The Family Fortune nitong Lunes, January 3, 2022.

Nag-trending nationwide sa social media ang drama series na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Boots Anson Rodrigo, Sunshine Cruz, Maricel Laxa, David Licauco, Rob Gomez, at ng mga newcomer Fil-Chinese actors na sina Darwin Yu, Dustin Yu, at Nikko Co.

Pinuri ng televiewers ang kuwento at mala-pelikulang kalidad ng TV counterpart ng Mano Po movie franchise.

Ang mga papuri sa Mano Po Legacy ang patunay na malakas pa rin ang appeal sa publiko ng movie version, na na idea at inumpisahan ni Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde noong 2002.

Ang anak ni Mother Lily at Regal Entertainment Inc. producer na si Roselle Monteverde ang punong-abala sa produksiyon ng Mano Po Legacy kaya ipinararating niya ang pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik sa pilot episode ng joint venture nila ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

“Nakaka-excite and very inspired ako sa reactions ng netizens.

“We will make this much better and the next episodes will be more engaging and bigger!

Pinaghandaan namin talaga ito para hindi ma-disappoint ang fans ng Mano Po.

“We owe this to them to bring to their homes with the partnership ng GMA-7 para maging masaya ang panonood nila,” pahayag ni Roselle, na hands-on sa pag-aasikaso sa taping ng drama series na malapit sa kanyang puso.

CASIE BANKS'S BIGGEST BREAK

Ang Miss World Philippines 2019 Second Princess na si Casie Banks ang isa sa mga baguhang cast member ng Mano Po Legacy.

Para kay Casie, ang pagbibida niya sa Mano Po Legacy ang pinakamalaking break na kanyang natanggap mula nang pumasok siya sa showbiz noong nakaraang taon.

mano po legacy cast

Continue reading below ↓

Casie Banks with the men of Mano Po Legacy: (from left) Darwin Yu, David Licauco, Nikko Co, Dustin Yu, and Rob Gomez

May mga kumukumbinsi kay Casie na muling sumali sa mga beauty pageant dahil malaki ang kanyang pag-asang manalo ng major title.

Pero sa ngayon, ang pagtuunan ng atensiyon ang pag-arte ang priority niya.

Saad niya, “Miss World Philippines Second Princess ako noong 2019 so two years akong second princess dahil sa pandemic. Ang tagal ng reign ko, medyo napagod ako dun.

“Tingnan po natin [kung sasali pa sa beauty contest] kasi nag-e-enjoy talaga ako sa acting. Ang dami kong natututunan.

“Sobrang bait po ng mga kasama ko. Kapag off set, nagtatanong ako, mine-mentor nila ako and let’s see kung saan ako dadalhin.

"Hindi ko pa isinasara yung pintuan ko sa pageantry, yun ang first love ko before pa.”

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Rob Gomez, David Licauco, Boots Anson Rodrigo, Sunshine Cruz, Nikki Co, and Maricel Laxa in a scene from the pilot episode of Mano Po Legacy: The Family Fortune.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results