True or false: Xian Lim, kinagat nga ba ng buwaya?

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2022
xian lim crocodile
Sermon ang inabot ni Xian Lim mula sa kanyang ina matapos ang ginawa niyang pagpapakuha ng litrato habang nakapasok ang ulo niya sa bunganga ng pekeng buwaya sa Subic Zoo.
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram

Biktima ng fake news ang False Positive lead actor na si Xian Lim dahil walang katotohanan ang tsismis na kinagat siya ng buwaya sa Subic Zoo na pinagdalhan niya sa kanyang ina at lola, anim na araw na ang nakararaan.

Pero hindi fake news na nasugatan si Xian sa ulo nang sumabit ito sa ngipin ng fake crocodile.

Nang makatuwaan ni Xian na magpakuha ng litrato na nasa loob ng bunganga ng buwaya ang kanyang ulo, sumabit ito sa matalim na ngipin kaya nagkaroon siya ng sugat na nagdugo.

Sa madaling salita, false ang balitang kinagat si Xian ng buwaya.

Pero positive na nasugatan ang kanyang ulo nang sumabit sa matatalim na ngipin ng mapanganib pero fake reptile.

Kababawan man o hindi newsworthy para sa iba ang nangyari kay Xian, may importanteng aral siyang natutunan: iwasan nang magpakuha ng litrato na nakapasok ang ulo sa bunganga ng buwaya para hindi na maulit ang freak accident na nangyari sa kanya.

Continue reading below ↓

Pinagtawanan na lang din ni Xian ang nangyari sa kanya, pero tatlong araw raw siyang pinagalitan ng mommy niya dahil sa kanyang ginawa.

Sabi niya sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, January 5: "Yes, 3 days akong pinagalitan ni @mommymaryanne sa ginawa ko at sa nangyari. Natetanus daw ako at lahat lahat na ng sakit.

"Magaling na po ang sugat ko. Maraming salamat sa lahat ng nag message sa akin"

Continue reading below ↓

Seryoso ang image ni Xian pero makulit at natural joker siya kaya naisipan niyang gawin ang kanyang "daring pictorial" sa bunganga ng buwaya.

Ang Asia’s Acting Gem na si Glaiza de Castro, leading lady ni Xian sa False Positive, ang isa sa mga nagpatotoo ng kakulitan ng aktor sa mahigit na isang buwan na lock-in taping nila para sa bagong programa ng GMA 7.

Kuwento ni Glaiza, “Kahit nga may mga dramatic scenes, nakakapagbiro pa kami sa isa’t isa. Si Xian kasi sobrang taas ng energy so hindi mahirap kumonek sa kanya.

“Bukod sa napakamatipunong lalake niya, cute, charming, nakakatawa talaga siyang tao. Hindi ko ine-expect yun sa kanya.

"Akala ko kasi sobrang seryoso niyang tao na parang walang humor sa life."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sermon ang inabot ni Xian Lim mula sa kanyang ina matapos ang ginawa niyang pagpapakuha ng litrato habang nakapasok ang ulo niya sa bunganga ng pekeng buwaya sa Subic Zoo.
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results