PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jenine Desiderio gives emcee 25 cents to buy manners

Jenine, natawa nang mabasa ang insidenteng kinasangkutan niya noon.
by Jojo Gabinete
Published Jan 8, 2022
jenine desiderio
Halos dalawang dekada na ang nakalilipas nang bigyan ni Jenine Desiderio ng 25 cents ang emcee ng isang event na dinaluhan ng singer-actress dahil sa maling introduction nito sa kanya.
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook

Nangyari sa tunay na buhay halos dalawang dekada na ang nakalilipas ang isang eksena sa Little Princess—ang pagsasaboy ng pera ng karakter ni Jo Berry para ipambili ng manners ng mga umaapi sa kanya (Geneva Cruz).

Pero ang kaibahan lang, baryang beinte singko ang ibinigay ni Jenine Desiderio sa female event host na kinumpronta niya at sinabihanng "bumili ng manners."

Natawa si Jenine nang mabasa nito ang artikulo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang ginawa noon para maturuan ng leksiyon ang female host. Hindi niya inaasahang maaalaala namin ang insidente na aming personal na nasaksihan at nangyari sa FHM event sa atrium ng Robinson’s Galleria.

Tulad ng report ng Cabinet Files noong January 6, 2022, hindi nagustuhan ni Jenine ang maling pakilala o introduction sa kanya ng female emcee ng FHM event bago siya umakyat sa stage para kantahin ang hit song niyang “Hindi Ako Si Darna.”

Pagkatapos ng performance ni Jenine, ipinasabi nito sa female emcee na iwasto ang maling introduction sa kanya pero binalewala lamang ang pakiusap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mag-usap sila sa backstage, sinubukan ng female host na magpaliwanag pero inabutan siya ni Jenine ng 25-centavo coin, kasunod ang dialogue na “Go buy yourself some manners!”

Nang mabasa ni Jenine ang throwback Thursday story ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa sosyal na pagkompronta niya sa female host, nagpadala siya ng message sa amin.

Mensahe niya sa amin, “Natawa ako sa teaser ng Little Princess pero wa na ako react para di na lumaki, e, naalaala mo pala!

“Pinabili ko siya ng manners kasi ayaw niyang akuin yung wrong intro niya sa akin and ayaw mag-public apology onstage as rectification.”

Natawa ang singer-actress nang maalaala nito ang isang kuwento na inakala niyang matagal nang nakabaon sa limot.

Maaaring sabihing "ahead of her time" si Jenine dahil sino ang mag-aakalang makaraan ang halos dalawang dekada, mapapasama siya sa cast ng Little Princess.

Parang nagkaroon din ng re-enactment sa afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa January 10 ang eksena niya sa tunay na buhay—ang pagbibigay ng pera para pambili ng manners ng tao na nang-insulto sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"HINDI AKO SI DARNA"

At para sa mga naniniwalang totoo ang “It’s all connected,” ang linyang paulit-ulit na binabanggit ng mga karakter sa Manifest, ang Netflix series na nangunguna sa kasalukuyan sa Netflix Philippines, puwede na nilang isiping may koneksiyon sa anak ni Jenine na si Janella Salvador ang 1998 hit song ng kanyang ina na "Hindi Ako Si Darna."

Pre-schooler pa lang si Janella nang maganap ang “classy” na pagtataray ng nanay niya sa female host na hindi na aktibo at misis na ngayon ng isang dating sikat na PBA player.

Malaki ang partisipasyon ni Janella sa Darna, ang upcoming primetime series ng Kapamilya Channel. Pero gaya ng sikat na kanta ng nanay niya, hindi siya si Darna dahil ang role ni Valentina ang ibinigay sa kanya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halos dalawang dekada na ang nakalilipas nang bigyan ni Jenine Desiderio ng 25 cents ang emcee ng isang event na dinaluhan ng singer-actress dahil sa maling introduction nito sa kanya.
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results