Tito, Vic & Joey 50 years na ang samahan ngayong 2022

by Jojo Gabinete
Jan 11, 2022
toto vic & joey 50 years
Senator Tito Sotto on his triumvirate with brother Vic Sotto and Joey de Leon: "Even before, yung Tito, Vic & Joey pa lang kami, panahon pa ng OK Lang. Ako, noon pa lang, naramdaman ko na kay Vic at Joey, we have a very good sense of the pulse of the people."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

Naganap ngayong Martes ng umaga, January 11, 2022 ang renewal ng kontrata sa pagitan ng GMA Network Inc. at ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga, ang longest–running noontime show ng Pilipinas.

Para sa 2022, tatlong importanteng okasyon ang ipagdiriwang ng cast ng Eat Bulaga.

Una, ang dalawampu’t pitong (27) taong matatag na samahan nila ng GMA-7.

Pangalawa, ang 43rd anniversary ng programa sa July 2022.

Pangatlo, ang golden anniversary ng triumvirate nina Senate President Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Bago pa isinilang ang Eat Bulaga! noong July 1979, magkakasama na sina Tito, Vic, at Joey dahil nabuo ang kanilang grupo noong 1972 nang maging bahagi sila ng OK Lang, ang gag show ng IBC-13.

Pinag-iisipan pa nina Tito, Vic, at Joey kung paano nila ipagdiriwang ang kanilang 50th anniversary na hindi madaling gawin dahil isang malaking hadlang ang coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Tito, ang pagkakaroon nila nina Vic at Joey ng pulso ang isa sa mga dahilan ng tagumpay ng Eat Bulaga! at ng kanilang samahan.

Pahayag ng Senate President, “Even before, yung Tito, Vic & Joey pa lang kami, panahon pa ng OK Lang. Ako, noon pa lang, naramdaman ko na kay Vic at Joey, we have a very good sense of the pulse of the people.

“Lalo na, suwerte rin kami sapagkat ang nakukuha namin, ang mga pumapasok sa Eat Bulaga! na mga production people, lalo na yung writers, e, ang lakas din ng pulso. Nababasa nila yung mga kababayan natin.”

Pinatotohanan ni Joey ang mga sinabi ni Tito dahil bukod sa pagkakaroon ng pulso, hindi raw sila nagbabago.

Saad ni Joey, “Yung sinabi ni Tito na pulso, nandoon yung salitang puso. Nasasakyan namin siguro dahil hindi kami nagbabago.

“Ang mga pantalon namin ni Vic, mahihigpit pa rin. Tight-fitting, may mga sira-sira rin. Ibig sabihin, hindi lang kami Kapuso, kauso rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi kami nawawala sa panahon, sumasabay kami. Noong araw nga, nag-uumpisa kami, magkaibang kulay yung Converse ko tapos nagkakamiseta ako. Mahaba ang buhok namin, nagso-shorts kami, kaya ayun, na-memo ako.

“Sabi ng boss ko sa Channel 9, ‘Wala akong pakialam kung branded ‘yan!’ Kasi ang mga uso noon, naka-tie, amerikana.

"Siguro nabago ng Eat Bulaga! dahil sa mga host, kami nina Vic at Tito.

“Noong araw, kapag may taping kami ng Iskul Bukol, kapag sinabi ng mga opisyal na ‘O, change costume, sequence something.’ Hindi sa amin uso yun.

"Ang ginagawa namin ni Vic, nagpapalitan lang kami ng T-shirt. O, ayan, change costume na. Salbahe kami.

"In other words, nag-umpisa kami na rebelde na hindi bad. Mula noon, kung ano ang uso, meron kami o kaya magpapauso kami,” mahabang trivia story ni Joey.

Tunay na magaling magpauso at trailblazer ang TVJ dahil sila ang nagpasikat noong 1977 ng Tough Hits, ang parody record album nila na popular na popular sa masa kaya nasundan ng maraming volume.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

tvj tough hits

Nang si Vic na ang tanungin tungkol sa sikreto ng TVJ at Eat Bulaga, nangibabaw ang pagiging man of few words niya pero siya ang nagbigay ng pinakamatatandaan at nakakatawang sagot.

Aniya, “Puwede bang copy and paste na lang [ng sagot nina Tito at Joey]? Basta ang feeling ko, legit Dabarkads, legit Kapuso. Yun lang!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Tito Sotto on his triumvirate with brother Vic Sotto and Joey de Leon: "Even before, yung Tito, Vic & Joey pa lang kami, panahon pa ng OK Lang. Ako, noon pa lang, naramdaman ko na kay Vic at Joey, we have a very good sense of the pulse of the people."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results