Sid Lucero, mas nadadalian sa love scene sa kapwa lalake kesa babae

by Jojo Gabinete
Jan 17, 2022
sid lucero nude scenes
Sid Lucero on his nude scenes in Silip Sa Apoy and Reroute: "For these two projects, wala akong plaster. So, kapag nagkamali tayo sa blocking, cameo! E, hindi puwede yun, because it’s also part of my contract and you also have a contract. And now, we both have something to take care of each other na we’re responsible for each other."
PHOTO/S: Vivamax

Plano ni Sid Lucero na huwag huminto sa pagtatrabaho at tatanggap siya nang tatanggap ng mga pelikula ngayong 2022.

Nag-umpisa ito noong nakaraang taon dahil dalawang pelikula—Reroute at Silip Sa Apoyang nagawa niya bago natapos ang 2021.

Mapaghamon at mapusok ang mga karakter ni Sid sa mga nabanggit na pelikula dahil hindi siya nagdalawang-isip gawin ang mga nude scene.

Ikinuwento ni Sid na hindi siya gumamit ng plaster sa kanyang mga maseselang eksena sa Reroute at Silip sa Apoy dahil mas mahalagang kumportable sa kanya ang mga aktres na katrabaho niya.

sid lucero reroute

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sid Lucero in Reroute

Saad ng aktor, “Wala naman ako hinihingi [na requirements sa nude scenes]. Ang pinakaimportante sa akin, komportable sa akin yung kapartner ko, whether babae siya o lalake.

“Mas madali nga kapag may love scene with a guy because you both don’t want to do this and you will both do your best para isang take lang, tapos na.

“With the ladies, very different, because marami ka kailangan alagaan at pati sila, maraming inaalagaan.

“Maraming pumapasok sa industriya na hindi buong pamilya nila sang-ayon sa mga gagawin nilang eksena. Merong iba diyan na may mga minamahal na hindi rin sang-ayon.

"So, gagawa sila ng eksena na labag sa mga nangyayari sa personal life nila so nahihirapan silang gawin ang mga yun.

“So, hindi ko rin puwedeng hindi isipin ‘yan. The most important thing para sa akin is makilala ako on a certain level ng katrabaho ko para hindi ko kailangan isipin na kapag ginawa ko ito, iisipin nila na ganoon talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Parang, at least, they know that there’s a limit and there’s a truth to who I am and what we’re gonna do is outside that area.”

silip sa apoy

Angeli Khang and Sid Lucero in Silip Sa Apoy

Importante rin kay Sid na malaman ang limitasyon sa mga love scene ng kanyang mga kapareha kaya protektadong-protektado ang pakiramdam ng mga aktres na nakakatrabaho niya, gaya nina Cindy Miranda at Angeli Khang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I learn what their limitations are and, at the same time, para hindi nila maramdamang naiiwan sila. I join them with their limitations.

“For example, may scene na yung blocking, e, hindi matatakpan nang todo-todo yung kailangan matakpan, for example, a plaster.

“I will have do it in such a way na hindi talaga makikita yun and, at the same time, ilalagay ko rin yung sitwasyon ko where yung babae will have a responsibility in taking care of me and covering me up also."

Sabi pa ni Sid tungkol sa Reroute at Silip Sa Apoy, “For these two projects, wala akong plaster. So, kapag nagkamali tayo sa blocking, cameo!

“E, hindi puwede yun, because it’s also part of my contract and you also have a contract. And now, we both have something to take care of each other na we’re responsible for each other.

“That becomes a mutual action, activity. Hindi tayo isang artista lang, tapos yung isang babae gagawin lang niya yung sexy, pagkatapos noon, tapos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“No, it’s something that you do together and it has to have a certain level of trust and acceptance from the person that you’re doing it with.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sid Lucero on his nude scenes in Silip Sa Apoy and Reroute: "For these two projects, wala akong plaster. So, kapag nagkamali tayo sa blocking, cameo! E, hindi puwede yun, because it’s also part of my contract and you also have a contract. And now, we both have something to take care of each other na we’re responsible for each other."
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results