PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Martinez says no to breast reduction, taking testosterone

Rita Martinez, nakaranas ng diskriminasyon sa comfort room.
by Jojo Gabinete
Published Jan 18, 2022
rita martinez biological stand
Rita Martinez on experiencing discrimination for her sexual orientation: "Hindi ko lang alam sa iba kung merong time na talagang pinalabas sila ng restroom, pero nangyayari po yun dahil nangyari sa akin. May tingin na 'bakit ka nandito' or something..."
PHOTO/S: @rita_martinez10 on Instagram

Kuntento at komportableng-komportable ang The Voice Philippines Season 2 finalist na si Rita Martinez sa kanyang physical appearance kaya hindi pumasok sa isip niyang tularan si Charice Pempengco, aka Jake Zyrus.

Sumailalim si Charice sa breast removal surgery at nagpapaturok ng testosterone hormones para matupad ang pangarap na magmukhang lalake at magkaroon ng boses na panglalake.

Bago inilahad ni Rita ang kanyang posisyon, nilinaw muna niyang may respeto siya sa mga transgender man na kagaya ni Jake.

“Just to be clear, I respect the people like Jake Zyruz. Nirerespeto ko yung kanilang naging desisyon na gawin yun. I guess, mas masaya sila, nahanap nila talaga yung happiness.

“Very happy naman po ako sa aking biological stand.

“Yun lang naman po talaga, it’s my only preference, but I’m not really changing anything in my body,” saad niya.

Kahit nang sumali siya sa The Voice Philippines noong 2014, hindi inilihim ni Rita ang sexual orientation, pati na ang mga diskriminasyon na kanyang nararanasan tulad nang paggamit niya ng comfort room para sa mga kababaihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “From my experience, when I entered the restroom, parang nagulat yung nanay, kasi kasama niya yung anak niya, naghuhugas sila [ng kamay] sa sink.

“Pagpasok ko, nagulat siya. Akala niya, lalake ako. Nag-sorry ako. Siguro naano niya sa boses ko na, 'A, hindi pala [siya lalake].'

"Pero merong tingin na bigla niyang binilisan yung paghuhugas ng kamay ng anak niya.

"Parang siguro, inaano niya sa anak niya na, 'O, huwag mong tingnan, baka matularan mo o something.' Parang ganoon yung dating sa akin. Na-experience ko po yun.

"Hindi ko lang alam sa iba kung merong time na talagang pinalabas sila ng restroom, pero nangyayari po yun dahil nangyari sa akin. May tingin na 'bakit ka nandito' or something..."

Isa si Rita sa mga mapapalad na miyembro ng LGBTQ community dahil hindi nagwakas sa The Voice Philippines ang kanyang showbiz journey.

Hindi lamang singer si Rita dahil ganap na rin ang pagiging aktres niya nang siya ang piliin ng direktor na si Sigrid Andrea Bernardo bilang love interest ni Rhen Escaño sa Vivamax original series na Lulu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Rita ang makapagpapatunay na walang edad na pinipili ang stardom dahil naging bida siya sa isang Girls Love series sa edad na 37.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Martinez on experiencing discrimination for her sexual orientation: "Hindi ko lang alam sa iba kung merong time na talagang pinalabas sila ng restroom, pero nangyayari po yun dahil nangyari sa akin. May tingin na 'bakit ka nandito' or something..."
PHOTO/S: @rita_martinez10 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results