PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon volunteers to pay bail of arrested 80-year-old man

Lolo Narding, 80, inaresto dahil sa bintang na pagnanakaw ng mangga.
by Jojo Gabinete
Published Jan 19, 2022
ryza cenon lolo nanding
Halos madurog ang puso ng aktres na si Ryza Cenon nang mabalitaan niya ang pag-aresto sa 80-anyos na si Narding Flores dahil umano sa pagnanakaw ng sampung kilo ng mangga sa Asinan, Pangasinan.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Halos madurog ang puso ni Ryza Cenon nang makarating sa kanyang kaalaman ang nangyari kay Narding Flores.

Si Flores ang 80-year-old lolo mula sa Asingan, Pangasinan na isang linggo nang nasa kustodiya ng Asingan Philippine National Police dahil sa bintang na pagnanakaw ng mga bunga ng mangga na wala pang sampung kilo.

Sa ulat ng Public Information Office (PIO) ng Asingan, inaresto si Lolo Narding sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng 7th Municipal Circuit Trial Courts ng Asingan-San Manuel noong December 20, 2021.

Isang manhunt operation dahil lamang sa diumano’y pagnanakaw ng mga bunga ng mangga ang nangyari noong January 13, 2022, 5 p.m., kaya nadakip ang akusado.

Sinabi ni Lolo Narding na pinapitas nito ang mga bunga ng puno ng mangga dahil sa kanyang pagkakaalam, nasasakupan iyon ng lupang pag-aari niya.

Ayon kay Lolo Narding, siya ang nagtanim ng puno ng mangga na sinakop ng nagrereklamo nang magpalagay ito ng bakod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mangiyak-ngiyak si Lolo Narding nang sabihin nitong gusto na niyang umuwi at handa na siyang makipagkasundo sa nagsampa ng kaso dahil maliit na bagay ang kanilang problema.

Pero hindi pumayag ang complainant dahil gusto nitong bayaran ni Lolo Narding ng anim na libong piso ang mga bunga ng mangga na ipinapitas niya.

Anim na libong piso rin ang inilaang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Lolo Narding.

Nang malaman ito ni Ryza, nagkusa ang aktres na siya na lamang ang magbabayad ng bail para makauwi na ang kaawa-awang matanda.

Nakikipag-ugnayan ang handler ni Ryza na si Caryl Ann Paraico ngayong Miyerkules ng gabi, January 19, sa Asingan Police para sa tulong na ipinapaabot ng aktres kay Lolo Narding.

Pero walang sumasagot sa mga tawag niya sa telepono ng police station ng naturang bayan kaya hiningi na nila ang tulong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halos madurog ang puso ng aktres na si Ryza Cenon nang mabalitaan niya ang pag-aresto sa 80-anyos na si Narding Flores dahil umano sa pagnanakaw ng sampung kilo ng mangga sa Asinan, Pangasinan.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results