PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy world featherweight champ Mark Magsayo, idolo Manny Pacquiao

“He’s been my hero since I was a kid.”
by Jojo Gabinete
Published Jan 23, 2022
Mark Magsayo
Manny Pacquiao
Kahit marami ang nagsasabing ang bagong hirang na WBC world featherweight champion na si Mark Magsayo ang magiging "The Next Great Filipino Boxer After Manny Pacquiao," nilinaw ng bagong kampeon na hindi matutularan ang legacy ng idolo niyang Pinoy boxing legend. Aniya, “There is no next Manny Pacquiao. There’s only one Manny Pacquiao."

Ang protégé ni Senator Manny Pacquiao na si Mark Magsayo ang hinirang na bagong Filipino world boxing champion dahil siya ang nanalo sa World Boxing Council (WBC) World Featherweight Championship fight nila ng American professional boxer na si Gary Russell, Jr. na naganap nitong Sabado ng gabi (Linggo, January 23 sa Pilipinas) sa Borgata Hotel Casino sa Atlantic City, USA.

Majority decision ang panalo ni Magsayo na tuwang-tuwa dahil natupad ang kanyang pangarap mula pagkabata na maging world champion sa boxing.

Nakadagdag sa tagumpay ni Magsayo ang pagkakaroon ng shoulder injury ni Russell na umaasa namang magkakaroon sila ng rematch kapag gumaling na ang kanyang balikat.

Si Pacquiao ang isa sa mga unang nagpahatid ng pagbati kay Magsayo sa panalo nito.

“Congratulations Mark Magsayo on your first world championship! Thank you for bringing honor to our country by becoming the latest Filipino world boxing champion.Welcome to the club,” ang mensahe ng Pambansang Kamao kay Magsayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagkulang si Pacquiao ng pagbibigay ng moral support kay Magsayo dahil isang araw bago nangyari ang laban nito kay Russell, nag-usap pa sila sa pamamagitan ng video call.

Hindi pa nararanasan ni Magsayo na matalo sa dalawampu’t apat na beses na laban niya sa boksing kaya binansagan siyang "Magnifico," at "The Next Great Filipino Boxer after Manny Pacquiao" ang tawag sa kanya sa boxing world pero ayaw itong tanggapin ng 26-year-old Filipino boxer.

Sa interview ng Premier Boxing Champions, sinabi ni Magsayo na nag-iisa lamang ang Manny Pacquiao.

“I have a lot of pressure in my career right now. A lot of people are speaking of the next Manny Pacquiao. I tell them, ‘There is no next Manny Pacquiao. There’s only one Manny Pacquiao.’

“I’m going to do my best to make a big name in the sport, do everything in the gym, work hard so my dream of becoming a world champion comes true.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maiwasang ikumpara si Magsayo kay Pacquiao dahil pareho silang lumaki sa hirap.

Naranasan ni Magsayo na magtinda ng ice cream sa kalsada sa Tagbilaran, Bohol para makatulong sa kanyang pamilya at gaya ni Pacquiao, bata pa siya nang mag-umpisang maglaro ng boksing noong 2003, ang taon na tinalo ng Pambansang Kamao ang Mexican boxer na si Marco Antonio Barrera.

Naging inspirasyon ni Magsayo ang panalo ni Pacquiao laban kaya Barrera kaya sinabi niya sa panayam ng Premiere Boxing Champions na “I remember thinking, ‘I want to be like him.’

“He’s been my hero since I was a kid.”

Hindi nagsasawa si Magsayo sa pagpapasalamat kay Pacquiao na inulit niya sa kanyang Instagram post noong September 2021.

Aniya, “My forever idol Kuya Manny Pacquiao, I want to thank you for inspiring me and all the Filipinos.

“Salamat kaayo Kuya para sa mga sakripisyo mo para sa bayan at sa amin.Salamat kayo sa karangalan ibinigay mo sa lahat ng Pilipino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Salamat sa pagpapakilala sa Pilipino sa buong mundo.Salamat sa pagtulong sa mga Pinoy boxer na kagaya ko.THERE IS ONLY ONE MANNY PACQUIAO.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit marami ang nagsasabing ang bagong hirang na WBC world featherweight champion na si Mark Magsayo ang magiging "The Next Great Filipino Boxer After Manny Pacquiao," nilinaw ng bagong kampeon na hindi matutularan ang legacy ng idolo niyang Pinoy boxing legend. Aniya, “There is no next Manny Pacquiao. There’s only one Manny Pacquiao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results