“Special participation” ang billing ni Sanya Lopez sa Season 2 ng Agimat ng Agila kaya marami ang nagtataka, pero hindi niya sinagot kung sandali lamang ang kanyang exposure sa magbabalik-telebisyong drama/action fantasy series na pinangungunahan ni Senator Bong Revilla, Jr.
“Malay niyo, sa Agimat Season 2 e meron pala na pa-surprise para sa karakter ni Maya, kaya abangan nila dahil talagang kapanapanabik,” ang tanging pahiwatig na ibinigay ni Sanya tungkol sa mangyayari sa karakter niya sa Agimat ng Agila.
Nahiya naman si Sanya nang marinig niya ang mga papuri sa kanya ni Bong at nang sabihin nitong superstar na siya.
“Makikita niyo na lang, mahirap magyabang, makikita niyo naman sa performance ng ating mga kasamang artista, magagaling.
“Nandiyan si Gardo Versoza, si Miss Rabiya Mateo and of course, nandiyan pa rin si Sanya na superstar na ngayon at kumbaga, na-predict natin yung maaabot niya, so I’m very happy for Miss Sanya,” ang sabi ni Bong na ikinagulat ng 25-year-old actress.
“Sobrang nakakatuwa na galing pa talaga kay Senator Bong yung mga ganoon,” ang nahihiya at may pagpapakumbabang reaksyon ni Sanya.
“Actually, hanggang ngayon hindi ko talaga ma-feel o ako lang ito, yung pagiging ganoon [superstar].
“Siguro yung ibang tao ang magsasabi pero hindi ko pa rin po napi-feel, pero maraming-maraming salamat Sen.”
Ipinakikilala sa Agimat ng Agila si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na madalas na ikinukumpara kay Sanya dahil may mga nagsasabing magkahawig sila.
Sanya Lopez and Rabiya Mateo/
Masaya niyang kuwento, “Madalas na napagsasabihan kaming dalawa na, ‘Uy, kamukha mo si Rabiya! Uy, Rabiya kamukha mo si Sanya!
“Marami rin ang nagta-tag sa amin, nakakatuwa naman and okay si Rabiya na kasama.”