CASE NO. 1: Napaiyak ang female showbiz personality sa guesting nito sa isang TV program dahil, off-cam, napag-usapan ang kanyang personal na buhay.
Hindi napigilan ng female showbiz personality na mapaluha dahil hindi nagtagal ang pagsasama nila ng lalakeng kanyang pinakasalan.
Sa umpisa pa lang ng pagsasama ng dalawa, hindi na umano masaya ang female showbiz personality kaya parang napilitan lamang siyang magpakasal.
Hindi inaamin ng female showbiz personality at ng estranged husband nitong naghiwalay na sila at wala nang balikang magaganap.
Magaling mag-imbestiga ang netizens kapag may mga artistang naghihiwalay, pero hindi umubra sa female showbiz personality ang kanilang husay.
Hanggang ngayon, follower pa rin ang female showbiz personality ng mga social media account ng kanyang asawa kaya hindi makumpirma ng mga dismayadong nosy netizens na hiwalay na sila.
CASE NO. 2: Meanwhile, social media followers pa rin ng isa’t isa ang showbiz couple na napapabalitang winakasan na ang relasyon.
Pero isang malapit sa kanila ang nagsabing tila nagkakatampuhan lamang ang dalawa kaya may tsansa pang magkaroon sila ng reconciliation.
Ang mga social media post ng mga celebrity ang ginagamit ngayong basehan ng netizens kung may problema sa kanilang mga relasyon.
Pero mabilis at malakas itong makasira ng kredibilidad dahil marunong ding manlinlang ang ilan sa mga artista, lalo na ang mga showbiz personality na hindi matanggap na lumipas na ang kasikatan nila.
Hangga’t hindi personal na umaamin ang mga personalidad tungkol sa tunay na estado ng kanilang mga pakikipagrelasyon, mananatili lamang na espekulasyon ang lahat kaya hindi dapat basta patulan o seryosohin ang kanilang mga social media post.
May mga artistang sinasadyang gawing kontrobersiyal ang kanilang mga social media post dahil uhaw sila sa atensiyon at naniniwala pa rin sa kasabihang "publicity, good or bad is still publicity."
Gamit ang kanilang mga social media account, sila na ang publicist at mga nag-e-exploit sa mga sarili nila.
Sila ang mga showbiz personality na ginagamit na barometro ng kasikatan kapag pinag-uusapan sila.