PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, GMA-7, maayos ang paghihiwalay

GMA-7 insider: Walang katotohanan ang balitang ibinasura ni Willie ang kontrata ng GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Feb 6, 2022
Ayon sa isang GMA-7 insider, walang katotohan ang mga naglabasang balita sa social media na ibinasura ni Willie Revillame ang kontrata ng GMA-7 o ang balitang hindi ni-renew ng Kapuso Network ang kontrata ni Willie. Maayos umano ang pagtatapos ng samahan nila.
PHOTO/S: YouTube

Sari-saring mga haka-haka ang kumakalat mula nang maglabas kahapon, February 5, ng opisyal na pahayag ang GMA Network Inc. tungkol sa nalalapit na pamamaalam ng Wowowin.

Ang Wowowin ang top-rating game at public service program ni Willie Revillame na piniling hindi na pumirma ng panibagong kontrata sa Kapuso Network.

“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.

“We wish him good luck in his future endeavors,” ang nakasaad sa official statement ng GMA Network Inc.

Hindi patas ang mga lumalabas na mga balitang ibinasura ni Willie ang Kapuso Network at wala talagang balak ang management i-renew ang kanyang kontrata.

Ayon sa mga nainterbyu ng Cabinet Files, maganda ang paraan ng kanilang paghihiwalay.

Nang kumpirmahin ng GMA-7 na hanggang February 11 na lang mapapanood ang Wowowin, mabilis na pinagpasa-pasahan sa social media ang larawan ni Willie na kasama si former Senate President Manny Villar at ang anak nitong si Camille Villar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Camille Villar, Willie Revillame, Manny Villar

Papasok na rin sa television industry ang pamilya Villar sa pamamagitan ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Ang mga Villar ang pinagkalooban ng Duterte government ng broadcast frequencies na dating pinanghahawakan ng ABS-CBN Corporation.

Matatandaang hindi binigyan ng mga miyembro ng House of Representatives ng bagong prangkisa ang ABS-CBN noong July 10, 2020, dahil mainit ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya Lopez na nagmamay-ari ng Kapamilya Network.

Hindi na nakapagbukas ang ABS-CBN buhat nang ipasara ito ng National Telecommunications Commission noong May 5, 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon ng ispekulasyon tungkol sa posibleng paglipat ni Willie sa AMBS dahil sa kumalat na larawan nila ng mag-amang Villar na kuha sa tahanan ni Willie sa Tagaytay City noong February 2, 2022.

Bago nito, usap-usapan rin sa industriya na nagre-recruit na si Willie ng mga tao para sa AMBS.

Nakadagdag pa na alam ng publiko ang pagsosyo sa ilang proyekto ni Willie at ng real-estate mogul.

Samantala, isang GMA-7 insider ang nagsabi sa Cabinet Files na matagal nang naghihintay ang GMA Network sa pirma ni Willie sa bagong kontrata nito para sa pag-ere ng Wowowin.

Kaya noong February 3, tinawagan na siya ni Joey Abacan sa telepono.

Si Abacan ang First Vice President (FVP) for Program Management ng GMA Network, at ito ang nakipag-usap kay Willie tungkol sa kontratang magtatapos na ngayong February 15, 2022.

Sinabi ng GMA-7 insider na naging emosyunal si Willie nang magkausap sila ni Abacan dahil alam niyang hindi na siya pipirma sa kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang malapit sa TV host, ang pag-alis sa GMA-7 at paglipat sa AMBS ay isa sa naging pinakamahirap na desisyong ginawa ni Willie sa makulay na career nito.

Naging mabuti kasi kay Willie ang GMA management. Ito ang nagbigay sa kanya ng panibago at regular na exposure sa national television nung mga panahong nalagay ang kanyang career sa alanganin.

Sinabi pa ng Willie loyalist na habambuhay tatanawing utang na loob ni Willie ang pagtitiwala ng GMA CEO and Chairman Atty. Felipe L. Gozon at GMA Chief Financial Officer Felipe Yalong.

Sa kabilang banda, alam ng publiko na matagal ang pinagsamahan ng high-profile TV host at ng bilyonaryong businessman, na itinuturing pa ng controversial TV host na pangalawang ama.

Pahayag sa Cabinet Files ng isa pang nasa kampo ni Willie: “Nagpasya si Willie na huwag nang pirmahan ang kontrata dahil ayaw niyang maakusahan na namamangka sa dalawang ilog.

“May delikadeza siya. Hindi niya maaatim na pipirma uli siya ng kontrata sa GMA-7 pero nakikipag-usap siya sa mga Villar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Very unethical iyon para sa kanya dahil parehong mahal na mahal niya ang GMA-7 at ang Villar family."

Iginiit niyang fake news ang mga balitang masalimuot ang pag-alis ng Wowowin host sa Kapuso Network.

Sa panig naman ng GMA-7, binigyan pa nito si Willie ng isang linggo para makapagpaalam sa kanyang viewers.

Kaya simula bukas, live na mapapanood ang Wowowin mula sa Quezon City studio ng Kapuso Network.

Ipinaubaya at ipinagkatiwala naman ni Willie sa network ang pag-anunsiyo sa publiko tungkol sa kanyang nalalapit na pag-alis sa istasyon na nagsilbing pangalawang tahanan niya sa loob nang halos pitong taon mula noong 2015.

Idinagdag din ng Willie loyalist na alam ni Willie ang naging official statement na inilabas kahapon ng GMA-7.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang GMA-7 insider, walang katotohan ang mga naglabasang balita sa social media na ibinasura ni Willie Revillame ang kontrata ng GMA-7 o ang balitang hindi ni-renew ng Kapuso Network ang kontrata ni Willie. Maayos umano ang pagtatapos ng samahan nila.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results