May malalaking pagbabagong mangyayari sa professional life ni Joaquin Domagoso ngayong 2022 dahil challenging roles na ang ibinibigay sa kanya sa telebisyon at sa pelikula.
Kasama pa rin si Joaquin sa cast ng First Lady, ang sequel ng First Yaya na mapapanood sa GMA-7 simula sa February 14.
Mananatili pa ring si Cassy Legaspi ang love interest niya.
Si Cassy ang nakapansin sa maturity ni Joaquin bilang aktor nang magsimula ang taping nila para sa First Lady
Sabi ni Cassy sa media conference ng kanilang primetime series, “Grabe po ang improvement niya from First Yaya to First Lady, and I always tell JD [Joaquin] this.
"Slowly but surely, he’s getting it na, he’s getting Jonas, and I feel there’s a part of him that is Jonas," pagtukoy ni Cassy sa pangalan ni Joaquin sa teleserye.
“For this season, sa First Lady, it’s a bit encouraging for JD and I because our characters are going through some issues that people go through sa relationships and all, pero siyempre yung teenage na relationship.”
Napangiti si Joaquin nang marinig nito ang papuri sa kanya ni Cassy kaya nagpasalamat siya dahil muli silang nagkasama sa isang TV project.
Pahayag ni Joaquin, “Sobrang thankful and happy na nagkaroon po kami ng pagkakataong makasama po uli.
"It’s very fun to be with them noong First Yaya. Now, it’s even better sa First Lady."
Mapanghamon din ang role ni Joaquin sa bagong pelikula niya dahil bulag ang kanyang ginampanang karakter.
Sabi niya, “Boy in the dark ang role ko. It was very hard to do kasi hindi pa ako sanay na may disability po ako.
“Noong first day, I tried to blindfold myself. Pero it was hard kasi yung focus was the eye contact na I should follow ‘coz, di ba, blind persons, yung eye contact nila hindi nakatingin sa mga mata ng kanilang kausap.
“I had to study how to talk without looking at the eyes anymore.”