PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blue Cailles gustong sundan ang yapak ng idolong si Alden Richards

Ang unang TV project ni Blue ay ang Regal Studio Presents.
by Jojo Gabinete
Published Feb 13, 2022
Blue Cailles
Newbie Blue Cailles: "Si Alden Richards ang idol ko dahil sa mahusay na pakikisama sa mga katrabaho at sa kanyang pagsisikap para sa pamilya niya."
PHOTO/S: @bluecailles on Instagram

Meet Kristian "Blue" Cailles, ang bagong contract star ng Regal Entertainment Inc. at ng Virtual Playground.ph.

Marami agad ang nakapansin na pareho ang appeal ni Blue kay Alden Richards.

Ikinatuwa naman ito ng 21-year-old commercial model at basketball player dahil nangunguna sa listahan ng kanyang hinahangaan at nais na tularan ang 30-year-old prized actor ng GMA-7.

Aniya sa panayam ng Cabinet Files, "Bilib po ako kay Joshua Garcia dahil sa galing niya sa pag-arte.

"Pagdating sa pormahan, hanga ako kina James Reid at Daniel Padilla.

"Pero si Alden Richards ang idol ko dahil sa mahusay na pakikisama sa mga katrabaho at sa kanyang pagsisikap para sa pamilya niya. Saka hindi siya nawalan ng pag-asa, talagang pinaghirapan niya ang lahat para makapasok sa showbiz."

FIRST TV PROJECT

Introducing si Blue sa upcoming episode ng GMA-7 drama anthology na Regal Studio Presents.

Katuparan raw ito ng kanyang matagal nang pangarap: Ang maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pangarap ko po talaga na maging artista noong bata pa lang ako. Lagi kong iniisip ang pakiramdam na makita ko ang sarili ko sa isang TV show o pelikula. Gusto ko po talaga na gumaling sa pag-arte.

"Right timing talaga na nakilala po ako ng Virtual Playground during the time na gusto ko nang mag-focus sa pag-arte dahil marami na rin akong pinalampas na pagkakataon.

"Naging priority ko kasi dati ang basketball at ang love life. Ngayon po talaga, ang showbiz na talaga ang gusto ko at alam ko na kailangan na paghirapan ko."

Kumusta naman ang una niyang sabak sa telebisyon?

"Unang sabak ko po sa acting ang guesting ko sa Regal Studio Presents. Talagang ilang araw ko po na binasa ang script at sakto naman na katatapos lang ng workshop ko sa Meisner Studio Manila kaya nakaalalay sa akin si Ms. Angeli at ang Virtual Playground people."

Gaya ng maraming baguhan, aminado siyang kinabahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kuwneto ni Blue, "Ninerbiyos po ako sa unang take, nakakalimutan ko ang mga linya ko dahil sa sobrang kaba. Pero talagang naramdaman ko ang suporta sa akin ng Regal kaya lumakas ang loob ko.

"Nagpapasalamat ako sa Regal at sa GMA-7 dahil sa opportunity na ibinigay nila sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan."

HOW HE WAS DISCOVERED

Bilang basketball player, naglaro siya para sa AMA College, at bilang model, lumabas siya sa mga television commercial ng leading brands, tulad ng Sprite, Alaska, Cream O, Del Monte, Nestle, at Lipps Candy.

Mahilig at magaling sumayaw si Blue kaya ang TikTok videos niya ang nagsilbing instrumento para matuklasan siya ng talent management agency nina Charlie Dy at Dondon Monteverde.

"Na-discover po ako ng Virtual Playground sa Tiktok noong October 2021 dahil mahilig ako na magsayaw 'tapos dire-diretso na.

"In-enroll agad ako ng Virtual Playground sa acting classes ni Ms. Angeli Bayani then ipinakilala nila ako kay Ms. Roselle Monteverde, ang producer ng Regal Entertainment Inc., at kay Direk Joey Reyes.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Blue Cailles and Roselle Monteverde

Suportado naman ng buong pamilya ang pagpasok niya sa entertainment industry.

"Sobra po sila na excited para sa akin, dahil alam po nila na pangarap ko na mag-artista.

"Naka-support po sila, lalo na ang Mommy ko na sobrang fan ni Dingdong Dantes kaya Iñaki ang tawag niya sa akin sa bahay dahil iyon ang pangalan ni Dingdong sa TGIS."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang TGIS ay ang defunct youth-oriented program ng Viva TV at ng GMA-7 na napanood mula August 1995 hanggang November 1999.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie Blue Cailles: "Si Alden Richards ang idol ko dahil sa mahusay na pakikisama sa mga katrabaho at sa kanyang pagsisikap para sa pamilya niya."
PHOTO/S: @bluecailles on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results