Ikinagulat ng mga host ng It’s Showtime ang balita tungkol sa same-sex wedding nina Vice Ganda at Ion Perez sa Las Vegas noong October 19, 2021 sa Wedding Capital of the World—ang Las Vegas, Nevada, USA.
Read: Vice Ganda reveals Las Vegas wedding with Ion Perez of last year
Nalaman ng mga host ng It’s Showtime ang wedding commitment ceremony dahil sa vlog na inilabas ni Vice kahapon, February 13, 2022.
Wala sina Vice at Ion sa live broadcast ng It’s Showtime ngayong Valentine’s Day, February 14, kaya excited ang kanilang mga co-host malaman ang ibang mga detalye tungkol sa naganap na wedding ceremony.
Nagkaroon ng mga haka-haka noong October 2021 na nagpakasal sina Vice at Ion sa Las Vegas, pero hindi sila nagsalita tungkol sa isyu.
Si Teddy Corpuz ang nagkuwento sa It’s Showtime tungkol sa pagdadala niya ng text message kay Ion noong October 2021 dahil sa balitang nakarating sa kanya.
“Ako, nag-text ako kay Ion, e, noong October. Sabi ko, 'Congrats sa inyong dalawa.'
“Tapos sabi ko, 'Nagpakasal na ba kayo diyan sa Vegas?' Hindi sumagot si Ion pero naramdaman ko talaga.
"Tapos maya-maya, nag-reply siya. Sabi niya, ‘Thank you po, Kuya.’"
Nangyari ang wedding commitment ceremony nina Vice at Ion sa Little Vegas Chapel. Pero hindi sila ang kauna-unahang showbiz personalities na nagkaroon ng same-sex wedding sa Las Vegas.
Noong May 20, 2007, inilabas ng PEP.ph ang report tungkol sa pagpapakasal ni Nora Aunor at ng kanyang dating manager na si Norie Sayo sa Las Vegas noong May 22, 2000.
Si Norie ang lesbian musician na former manager at confidante ni Nora.
Read: Did Nora Aunor marry her lesbian manager in Las Vegas?
May record ng kasal nina Nora at Norie sa Marriage Inquiry System ng Clark County Las Vegas.
Nakatala rin dito ang mga impormasyon tungkol sa pag-iisang dibdib nina Vilma Santos at Edu Manzano noong July 19, 1980; Gabby Concepcion at Jenny Syquia noong June 17, 1993; Phillip Salvador at Emma Ledesma noong November 15, 2003; at Dorothy Jones a.k.a Nida Blanca at Roger Laurence Strunk na dalawang beses na nagpakasal sa Las Vegas noong 1979 at 1981.
Noong May 2007, sinubukan ng staff ng defunct showbiz-talk show na S-Files na kunin ang pahayag ni Norie tungkol sa same-sex wedding nila ni Nora.
Sa text message na kanyang ipinadala, sinabi ni Norie na wala sa kanilang plano ng superstar na magbigay ng anumang pahayag.
Pero sa interbyu sa kanya ng PEP.ph noong February 2008, nagsalita si Norie na imposibleng magpakasal sila ni Nora sa Las Vegas dahil pinapayagan lamang ang same-sex marriage sa state of Massachusetts noong 2000.
Idinagdag ni Norie na matapos makipag-usap sa kanyang mga abogado, inisip niyang maaaring may ibang taong nag-apply ng marriage permit kaya nakasama sa database ng Marriage Inquiry System ng Clark County ang mga pangalan nila ni Nora.