Dustin Yu, walang balak magpalit ng screen name dahil sa kapwa Regal baby na si Darwin Yu

by Jojo Gabinete
Feb 18, 2022
dustin yu, darwin yu
Dustin Yu (left) and Darwin Yu (right) are both talents of Regal Entertainment, Inc. and Virtual Playground, and they are both part of the Kapuso drama series Mano Po Legacy.
PHOTO/S: Instagram

Napagkakamalang magkamag-anak ang newcomers na sina Dustin Yu at Darwin Yu dahil magkatunog ang kanilang mga pangalan at pareho ang mga apelyido nila.

Kapwa rin sila napapanood sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, ang top-rating drama series ng GMA-7 at Regal Entertainment, Inc.

Hindi magkadugo sina Dustin, 20, at Darwin, 24, pero mga talent sila ng Regal at Virtual Playground.

Pahayag ni Dustin, “We’re not relatives but we both belong to Regal Entertainment Inc. and Virtual Playground.”

Wala raw balak magpalit ng screen family name si Dustin kahit may mga nagsasabing baka malito ang publiko dahil pareho rin silang Filipino-Chinese ni Darwin.

“Hindi pa po namin napag uusapan ni Darwin na magpalit ng screen name, pero if ever, nasa management ang desisyon at kung ano ang magiging advise nila sa amin.

“We never talked about it. But for me, walang dapat palitan because, I think, if kilala naman po talaga kami ng mga tao hindi sila mako-confuse.”

Continue reading below ↓

Ang Mano Po Legacy: The Family Fortune ang una at regular television show nina Dustin at Darwin kaya nagpapasalamat sila sa tiwalang ibinigay sa kanila ng Kapuso network at ng Regal.

Isang karangalan para kay Dustin na makatrabaho sa Mano Po ang veteran stars na sina Boots Anson-Roa Rodrigo at Maricel Laxa, na nagpakita ng suporta sa baguhanng cast members.

Saad niya, “To be honest, hindi po ako na-intimidate sa kanila dahil kahit veterans na sila sa industry, sobrang bait nila at magagaan na katrabaho.

“After the scenes na ginagawa namin, they always communicate with us kaya ang mindset ko, hindi ako dapat mahiya o ma-intimidate sa kanila para hindi rin ako mahirapan in terms of acting.”

Nagkuwento rin si Dustin tungkol sa mga aral na natutunan niya sa taping ng Mano Po Legacy.

Aniya, “As a new actor, it is important to be passionate about the things you love to do.

Continue reading below ↓

“Natutunan ko during tapings na i-feel yung character ko at pag-aralang mabuti. It is also very important to listen to the director and co-actors.

“If may question ka about the scene, don’t hesitate to ask because it is very important.

“Always be ready, sa start pa lang ng araw ng taping, dapat handa ka na physically, mentally, and emotionally.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dustin Yu (left) and Darwin Yu (right) are both talents of Regal Entertainment, Inc. and Virtual Playground, and they are both part of the Kapuso drama series Mano Po Legacy.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results