Magkakaroon ng final round ang presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa March 26, 2022 at muli itong gaganapin sa Okada Manila.
Apat sa mga presidential aspirant ang hindi nakadalo sa unang presidential debate ng SMNI na ginanap noong February 15.
Umaasa si Professor Clarita Carlos na makararating sina Vice President Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, Senator Ping Lacson, at Manila City Mayor Isko Moreno sa final round sa susunod na buwan.
Si Professor Carlos ang nag-iisang babaeng panelist sa presidential debate ng SMNI noong February 15.
Nakuha ni Carlos ang paghanga at respeto ng publiko dahil sa kanyang mahusay at matatalino na tanong sa presidential aspirants na sina Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., Norberto Gonzales, Leody de Guzman, at Ernesto Abella.
Pero hindi pa sigurado ang political scientist at international relations expert kung maiimbitahan siya sa final round ng presidential debate.
“Don’t know yet,” sagot ni Professor Carlos nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files ngayong Linggo ng gabi, February 20, para tanungin kung magkakaroon siya ng partisipasyon sa final round ng presidential debate ng SMNI.
Ano ang pakiramdam sa mga positive feedback tungkol sa kanyang guesting sa presidential debate at sa panawagan ng taumbayan na bigyan siya ng puwesto sa pamahalaan?
Sinamantala na rin namin ang pagkakataon para tanungin ang reaksiyon niya sa pagkukumpara sa kanya sa pumanaw na senador na si Miriam Defensor-Santiago na hindi rin matatawaran ang kredibilidad at integridad
Sagot niya, “My conduct there [presidential debate] is no different from my conduct in my classes for the past fifty-five years and counting…
“I have a boring life so those good words are okay, and not good words, too… par for the course.”
TONY VELASQUEZ INTERVIEW
Limang araw na ang nakalilipas mula nang mangyari ang SMNI Presidential Debate pero hanggang ngayon, trending pa rin sa social media ang panayam ni Tony Velasquez ng ABS-CBN kay Professor Carlos ilang oras bago sumalang ang huli sa SMNI-sponsored event.
Tinanong ni Velasquez si Carlos tungkol sa hayagang pagsuporta ng may-ari ng SMNI na si Pastor Apollo Quiboloy sa presidential candidate na si Bongbong Marcos.
Saad ni Velasquez: “Kami naman po as a network, we do not openly endorse any candidate, yun lang po ang mahalagang kaibahan. As a network, we remain truly unbiased because we do not publicly endorse candidates.
"Ito po, mismong yung pinuno nung network ay meron nang iniendorsong kandidato so how is that going to affect the debate?”
Hindi nagpatumpik-tumpik si Carlos sa pagsagot.
Aniya, “The key word is openly. I’m glad you used that word because I’ve been content analysing you guys and I count the number of minutes, microsecond that you indulge in XYZ candidate and, clearly, nakakiling kayo sa isang kandidato.
"So, huwag na tayong magmaang-maangan tungkol diyan kasi ang isang scholar na katulad ko na nagko-content analyze, makikita yung trend na 'to. So, openly, you’re not doing it openly, but you’re doing it not openly and that goes for the other network.
“Magagawa mo ‘yan sa content analysis, e, but you know, let’s not go there. So what do I care?
“Ang sinabi ko nung second briefing [sa SMNI], I raised that issue, sabi ko, 'Do you know I got a lot of call outs sa Facebook? Kasi nga daw, ito palang network niyo is owned by that person.'
“Sabi ko, so long as that person doesn’t interfere with my ideas at hindi niya ako binubusalan kung ano yung sasabihin ko, okay lang sa akin, because that’s almost the rule of the game here.
“Hindi naman nung inimbita ako ng staff mo, Tony, hindi sinabi na ‘Ma’am, ha, ganito ang sabihin niyo dun sa ano, ha sa program ni Tony mamaya.'
"Siyempre, mumurahin ko siya kung sinabi niya ‘yon, 'no!”
Hindi na kinontra at sinagot ni Velasquez ang sagot ni Carlos.