Ang Adarna Gang ang comeback movie ni Coleen Garcia matapos niyang isilang ang panganay na anak nila ni Billy Crawford na si Amari noong September 2020.
Nag-umpisa ang lock-in shooting ng Adarna Gang noong November 2021. Kahit breastfeeding mother siya, hindi ito naging problema kay Coleen dahil isinama niya si Amari sa hotel na kanyang tinuluyan.
“Nag-shooting kami sa isang place na zero talaga yung COVID-19 cases. Ito pa yung time na puwede nang lumabas yung mga bata.
"Si Amari, hindi siya nakaapak sa set pero kasama ko siya sa hotel. He stayed with us sa hotel room, nandoon lang siya. He never left.
“I felt safe kasi hanggang ngayon, breastfeeding pa rin kasi ako, so every time he needs me, I’m really there for him.
“We worked so efficiently, hindi kami napa-pack up nang sobrang late so I’m able to come back to him. If ganito naman yung working conditions, I don’t mind working all the time.
"But, of course, Amari is always going to be a priority for me,” kuwento ni Coleen tungkol sa mga responsibilidad niya bilang ina at aktres sa shooting ng Adarna Gang.
Matagal nagpahinga sa pag-arte si Coleen kaya nanibago siya at nakaranas ng “feeling of intimidation” nang gawin niya ang Adarna Gang dahil mahuhusay ang kanyang mga kasamahang artista, gaya nina Ronnie Lazaro, Mark Anthony Fernandez, Jay Manalo, JC Santos, at Diego Loyzaga.
Saad ni Coleen, “Ang pagiging aktor kasi siyempre magkakaibang techniques, magkakaibang ways of getting the emotion out and for me, I had to figure that out all over again.
“Para sa akin, yun siguro ang naging pinaka-challenge pero mas nakaka-pressure lang talaga because I was surrounded by really good actors and not only that, lahat talaga sila, active.
“Lahat sila may recent project and everything so parang talagang na-intimidate ako noong una.
“But it’s a good thing na hindi sila intimidating people. Parang very approachable pa rin.
"At the end of the day, very nice, and we’re just all laughing and enjoying the entire time na nagsu-shoot kami and that was a huge help talaga.”