Ella Cruz, tinawag na "laos" at sinampal nang walang dahilan ng high school classmate

by Jojo Gabinete
Feb 22, 2022
Ella Cruz bullying
"Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw yung mga teacher dahil lagi akong absent," balik-tanaw ni Ella Cruz sa mga kaklaseng nam-bully sa kanya noong siya ay high school student sa Bulacan.
PHOTO/S: @ellacruz Instagram

Biktima ng bullying si Ella Cruz noong nag-aaral pa siya ng high school sa hometown niya sa Bulacan.

Ito ang ikinuwento niya sa digital presscon ng The Seniors noong Monday night, February 21, 2022.

Ang The Seniors ay ang Vivamax series na pinagbibidahan nila nina Julia Barretto, Awra Briguela, at ng newcomer na si Andrea Babierra.

Itinuturing ni Ella na isa sa pinakamagulong parte ng buhay niya ang kanyang high school years dahil parang kuwento sa pelikula ang mga pang-aaping naranasan niya.

"To be honest, yung high school talaga ang pinakamagulo na parte ng buhay ko, isa sa mga magulong parte ng buhay, kasi dun ko na-experience na ma-bully ako.

"Siguro kung magtatanong kayo kung ano po yung mga na-bully sa akin, yung isa is maliit ako.

"Tapos, laos na artista raw ako kapag wala akong projects, sinasabihan ako ng mga ganoon," balik-tanaw ni Ella.

Bukod sa paninira ng mga nam-bully sa kanya, may isang sinampal siya kahit wala naman daw siyang ginagawang masama rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw yung mga teacher dahil lagi akong absent.

"One time, I’m just walking sa hallway, biglang kinorner po ako ng mga kaklase tapos bigla nila akong sinampal, out of nowhere, na walang reason talaga.

"Na-experience ko po yun."

Read: Ella Cruz tanggap ang kanyang insecurities: "Ang liit ko. Marami ang mas maganda sa akin."

FINDING TRUE FRIENDS

Nang tumuntong si Ella ng fourth year high school, lumipat siya sa isang eskuwelahan sa Quezon City.

Maganda ang naging trato sa kanya ng mga kaklase niya roon kaya lubos ang pasasalamat niya sa Diyos.

"Thank God, nung senior year ko na, fourth year high school, lumipat ako ng school sa Quezon City.

"Nag-home study ako dahil yun ang time na hindi ko na kayang mag-aral ng regular o pumasok ng regular.

"Dun ko na-meet yung mga tunay na kaibigan ko, yung friends for life. Sila talaga yung maaasahan mo through ups and downs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin si Ella sa kanyang non-showbiz friends na mga iyon.

"Dito sa Bulacan, wala akong friends. Pero yung naging friends ko sa Quezon City, they didn’t care na artista ako.

"Until now, nagtutulungan kami sa mga business,” pagtatapos ni Ella.

Dahil sa kanyang karanasan, sinisiguro naman ni Ella na maganda ang pakikitungo niya sa ibang tao pati na sa mga nakakabata sa kanya.

Sa The Seniors, nanay ang trato nina Julia, Awra, at Andrea sa kanya dahil sa pag-aalaga at pagmamahal niya sa mga ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw yung mga teacher dahil lagi akong absent," balik-tanaw ni Ella Cruz sa mga kaklaseng nam-bully sa kanya noong siya ay high school student sa Bulacan.
PHOTO/S: @ellacruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results