Lani Misalucha at mister na si Noli, patuloy na kumukonsulta sa doktor dahil sa kanilang hearing loss

by Jojo Gabinete
Feb 23, 2022
lani misalucha
Lani Misalucha: "Kung anuman yung nangyari sa amin ngayon, we gladly accepted it. Kung gagaling, panalo, di ba? Kung hindi, ganoon talaga, e. But, of course, hindi kami titigil na makipag-usap sa ibang doktor kung anong puwedeng gawin."
PHOTO/S: @lanimisalucha on Instagram

Humarap sina Lani Misalucha at Nonoy Zuñiga sa mga miyembro ng entertainment press, sa pamamagitan ng Zoom media conference, mula sa Glendale, California, Martes ng gabi, February 22, 2022 (Miyerkules ng tanghali, February 23, sa Pilipinas).

Ito ay kaugnay ng Timeless, ang series of concerts nila sa U.S. na magsisimula sa March 20 sa San Theater, Beverly Hills, California.

Ang Timeless ang hudyat ng pagbabalik ni Lani sa concert scene sa U.S. dahil dalawang taon siyang hindi nakabalik sa Amerika mula nang magsimula ang coronavirus pandemic noong December 2019.

lani misalucha nonoy zuniga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lani Misalucha & Nonoy Zuñiga

Bukod sa pandemya, dinapuan si Lani at ang kanyang asawa na si Noli ng bacterial meningitis noong October 2020 kaya na-confine sila sa ICU ng isang ospital at kapwa naapektuhan ang kanilang mga pandinig.

Gumagamit ngayon si Lani ng hearing aid na malaking tulong sa kanyang pagkabingi dahil nakakakanta na uli siya.

Sa kanyang pagbabalik sa U.S., itinanong namin kay Lani kung nasubukan na ba nitong kumonsulta sa mga American doctor na maaaring makapagbigay ng lunas sa pagiging bingi niya.

Ayon sa Asia's Nightingale, “Actually, kami ni Papa Nols [Noli], pumunta na kami sa iba’t ibang doctors. Tinitingnan namin kung ano yung puwede nilang i-suggest.

"Kasi noong nasa hospital kami, of course, different doctors in our room, nandiyan yung neurologist, EENT... basta iba’t ibang doktor yung tumitingin sa amin.

“Yung neurologist, sabi niya sa amin, yung type ng nangyari sa amin, parang somehow, very rare.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Usually, yung tipo ng bacteria na pumasok sa amin, yung ang tinatawag nila na sequelae. Kumbaga, yung damage niya is hearing loss.

“Siyempre, magtatanong kami, 'Gagaling ba kami? Babalik ba ang hearing namin? Hindi na ba kami mahihilo after three months?'

“Wala silang sinasabing definite answer kasi nga iba-iba ang cases. Merong three months, okay na. Merong six months, saka pa lang makakakita ng progress."

Patuloy ni Lani, “Sinabi sa amin, kasi nagkaroon kami ng inflammation sa nerves sa brain namin, yung husband ko, nagkaroon ng internal hemorrage sa brain, so maraming pamamaga ng nerves namin.

“Sinabi sa amin na kapag bumaba pa yung pamamaga sa brain namin, there’s most likely makakakita kami ng progress.

"But the thing is, it’s already over a year and we’re still like this. So, in other words, permanent na ito."

Kahit permanente na ang pinsala sa pandinig nila ng kanyang asawa, hindi nawawalan si Lani ng pag-asa. Naniniwala siyang sa tulong ng dasal o milagro, babalik sa normal ang pandinig nila ni Noli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes, we’re still seeing other doctors, kung ano yung puwede nilang sabihin pa. I guess it’s just a matter of thousands of prayers or miracle.

“Kung anuman yung nangyari sa amin ngayon, we gladly accepted it. Kung gagaling, panalo, di ba? Kung hindi, ganoon talaga, e.

"But, of course, hindi kami titigil na makipag-usap sa ibang doktor kung anong puwedeng gawin.

“Yes, we’re still seeing other doctors and we’ll see what they have to say. Actually, naggagamot uli kami ngayon.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Misalucha: "Kung anuman yung nangyari sa amin ngayon, we gladly accepted it. Kung gagaling, panalo, di ba? Kung hindi, ganoon talaga, e. But, of course, hindi kami titigil na makipag-usap sa ibang doktor kung anong puwedeng gawin."
PHOTO/S: @lanimisalucha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results