PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

June Keithley: boses at bayani ng EDSA Revolution

June Keithley, naghatid sa publiko ng lahat ng mga kaganapan sa EDSA Revolution.
by Jojo Gabinete
Published Feb 25, 2022
june keithley
Ang boses ni June Keithley sa radyo ang narinig, pinakinggan, at naging pag-asa ng mga tao sa EDSA noong gabi ng February 23, 1986 hanggang sa pag-alis ng mga Marcos sa Malacañang Palace noong February 25, 1986.

Ang former actress, broadcaster, at Marian devotee na si June Keithley ang isa sa mga itinuturing na bayani ng Edsa Revolution na naganap mula February 22 hanggang February 25, 1986.

Binawian ng buhay si June noong November 24, 2013 pero hindi na mabubura sa kasaysayan ng Pilipinas ang kabayanihang ipinamalas niya.

Ang boses ni June sa radyo ang narinig, pinakinggan, at naging pag-asa ng mga tao sa EDSA noong gabi ng February 23, 1986 hanggang sa pag-alis ng mga Marcos sa Malacañang Palace noong February 25, 1986.

Kabilang si June sa mga nagpunta sa Camp Crame noong Sabado ng gabi, February 22, 1986, dahil sa panawagan ni Jaime Cardinal Sin na suportahan at protektahan sina dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at acting Armed Forces Chief of Staff Fidel Ramos.

Naniniwala sina Enrile at Ramos na si Cory Aquino ang tunay na nanalo sa snap election noong February 7, 1986 kaya tinalikuran at binawi ng dalawa ang kanilang suporta kay President Ferdinand Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Fr. James Reuter ang nagsabi kay June na pumunta sa DZRH para makapagradyo siya at makapaghatid ng balita sa publiko dahil sinira ng mga armadong kalalakihan ang transmitter ng Radio Veritas.

Nang dumating sa DZRH station si June, napansin nitong tila malamig ang pakikitungo sa kanya ng mga empleyado.

Sinabi umano ni DZRH news director Rey Langit na ibigay ni June ang telephone number nito para tatawagan na lamang siya kung kailangan ang serbisyo niya.

Dahil sa nangyari, si Fr. Reuter ang nakaisip na mag-broadcast si June sa DZRJ station sa Sta. Mesa Boulevard na hindi kalayuan sa Malacañang Palace.

Nagsimula ang radio broadcast ni June sa DZRJ sa pamamagitan ng pagpapatugtog sa "Mambo Magsaysay," ang presidential campaign song ni deceased President Ramon Magsaysay noong 1953.

Pero hindi niya masabi sa mga tagapakinig ang kanyang kinaroroonan dahil sa takot na lusubin sila ng mga tao at sundalong loyalista ni Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si June ang naghatid sa publiko ng lahat ng mga pangyayari sa EDSA at siya ang pinakikinggan ng mga tao dahil kontrolado noon ng Marcos government ang mga radio at TV station.

Dahil dito, binansagang Radyo Bandido ang kanyang live radio broadcast.

“From that time on, tuluy-tuloy na kami. My hair was standing on end but I just kept going.

“We had no way of confirming reports but we could only trust the Filipinos to pool themselves and give us truth,” pahayag ni June sa panayam sa kanya ng Manila Times noong March 3, 1986.

Aminado si June na matinding pagod ang kanyang naramdaman dahil sa partisipasyon niya sa EDSA Revolution pero maligaya siya sa naging resulta.

“Now at least, my son is going to have a better future,” sabi ni June.

Ang former actor-turned-broadcaster na si Diego Castro ang anak na tinutukoy ni June. Sampung taon si Diego noong 1986.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

june keithley, diego castro

June Keithley and son Diego Castro

Ngayong gabi, Fenruary 25, 2022, sa ika-36 na anibersaryo ng EDSA Revolution, ginunita ni Diego ang kabayanihan ng kanyang ina sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Sapul na sapul niya ang paniniwala at sentimyento ng karamihan.

Mensahe niya: “My mom was just one out of the many heroes during the 1986 EDSA People Power Revolution. These heroes did not fight for political gain, they did not risk their lives to empower a political party nor did they support a specific family and push them into power.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It's really plain & simple, they fought for freedom. EDSA did not fail us, people did. Let the flicker of hope for a better Philippines continue to shine bright for us all.”

Sana ay maging eye-opener ito para sa ilang mga Pilipino na pilit na binibigyan ng kulay pulitika ang makasaysayang pangyayari noong February 1986 na hindi naman nila personal na nasaksihan at naranasan.

Postscript: Naging malapit kami kay June noong nabubuhay pa siya. Hindi nawawala sa aming mga kuwentuhan ang importanteng partisipasyon niya sa EDSA Revolution at ang kanyang mga karanasan bilang matapat na taga-paglingkod ni Blessed Virgin Mary.

Si June ang producer at narrator ng documentary tungkol sa Marian apparition sa Carmelite Monastery sa Lipa City noong 1948 na may pamagat na The Woman Clothed with the Sun na pinarangalang best documentary ng Cultural Center of the Philippines noong 1992.

Para sa mga interesado, mapapanood ang The Woman Clothed with the Sun sa website ng Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace (www.ourladymarymediatrixofallgrace.com) at sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang boses ni June Keithley sa radyo ang narinig, pinakinggan, at naging pag-asa ng mga tao sa EDSA noong gabi ng February 23, 1986 hanggang sa pag-alis ng mga Marcos sa Malacañang Palace noong February 25, 1986.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results