Kumpirmadong may relasyon na ang aktres na iniintriga ang sexual orientation at ang aktor na nagsimula ang showbiz career bilang child star.
Nabuo ang pagmamahalan ng dalawa nang magkasama sila sa isang television series noong nakaraang taon at hindi nila ipinag-iingay na may relasyon na sila pero alam ito ng kanilang malalapit na kaibigan.
Sooner or later, malalaman ng publiko ang low-profile relationship ng aktres at ng aktor na hindi nagkakalayo ang mga edad dahil madalas silang nakikita na magkasama.
Naniniwala ang mga loyal supporter ng aktres na ang relasyon nila ng aktor ang isang patunay o dahilan para matuldukan na ang mga pagdududa sa kanyang pagkatao.
Ang aktor ang unang boyfriend mula sa showbiz ng aktres na nakipaghiwalay sa dating karelasyon noong 2020.
Showbiz personality naman ang ex-girlfriend ng aktor pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama na humantong sa kontrobersyal na paghihiwalay.