Vince Rillon at Ayanna Misola, "nakakapagod" ang extended sex scenes

by Jojo Gabinete
Feb 27, 2022
Ayanna Misola and Vince Rillon
Sina Vince Rillon at Ayanna Misola ang lead stars ng "Larawan" episode ng L, ang three-part erotic series na nagsimulang mag-stream sa Vivamax ngayong Linggo, Pebrero 27.
PHOTO/S: Vivamax

Nagsimula nitong Linggo ng madaling-araw, February 27, ang streaming sa Vivamax ng "Larawan," ang unang episode ng L, ang three-part erotic series na tinatampukan nina Vince Rillon, Ayanna Misola, Cara Gonzales, Stephanie Raz at Cloe Barreto.

Si Vince ang lead actor ng L at si Ayanna ang kapareha niya sa "Larawan."

At dahil L ang pamagat ng erotic series, nagsisimula sa letrang L ang pangalan ng kanilang mga karakter, sina Lucas at Louise.

Nang makausap namin si Ayanna, natawa ito nang malaman niyang may mga nagsasabi na napagod sila sa panonood ng "Larawan" dahil sa parang walang katapusang love scenes nila ni Vince na tiyak na kaiinggitan ng mga kalalakihan.

Ayanna Misola

Continue reading below ↓

“Oh my God!” ang reaksyon ni Ayanna dahil sa feedback na kanyang narinig tungkol sa sizzling scenes nila ni Vince.

Ang sexy drama thriller na Kinsenas, Katapusan ang launching movie ni Ayanna pero mas matindi ang mga mapupusok na eksena nila ni Vince sa "Larawan" dahil parang tumagal ng sampung minuto ang kanilang tuluy-tuloy na love scenes.

Kinumpirma ni Ayanna na matagal na kinunan ang erotic scenes nila ni Vince kaya nakakapagod ito.

“Two hours po yata [ang shooting ng love scenes]. Continuous siya,” ang sabi ni Ayanna na hindi ipinagkakaila na “stepping stone” lamang ang paghuhubad na ginagawa niya sa pelikula para matupad ang pangarap na makilala bilang aktres.

Dagdag niya, may permiso naman daw ito ng kanyang mga magulang.

Ang "Liko" at "Lipat" ang mga pamagat ng mga susunod na episode ng L, pero tila mahirap nang higitan ang mga mapapangahas na eksena na ginawa nina Vince at Ayanna sa "Larawan" dahil ibinuhos ng dalawa ang lahat ng kaalaman tungkol sa pakikipagtalik.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Vince Rillon at Ayanna Misola ang lead stars ng "Larawan" episode ng L, ang three-part erotic series na nagsimulang mag-stream sa Vivamax ngayong Linggo, Pebrero 27.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results